Looking For Anything Specific?

Jelai Andrea, umani ng samut-saring komento ngayon sa IG matapos ibahagi ang larawan kasama ang isang kilalang aktor

Mukhang may papausbong na pagtitinginan ngayon sa mga Kapuso stars na sina Jelai Andres at Paul Salas.

Maraming netizens ang nakapansin ng chemistry umano nina Jelai at Paul. Nagtambal kasi ang dalawa sa isang shoert film sa YouTube.

Ito ay para sa Halloween special vlog ni Jelai entitled ‘Sama Ka’.

 

Ipinamalas ng dalawa ang husay nila sa pag arte sa nasabing short film kung saan kasama din nila ang vlogger na si Mika Salamanca.

 

Maraming netizens naman ang napahanga at namangha sa ganda ng istorya at galing ng pagkakagawa nito.

Pero mas maraming nakapansin sa chemistry umano nina Jelai at Paul. Marami ang kinilig at nagsasabing bagay daw talaga ang dalawa.

Parehas pa naman single ngayon sina Paul at Jelai kaya inuudyokan ng mga netizens na sana ay maging reel to real na ang kanilang tambalan.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ganda Po nag movie nyo Po.. ate Jelai Andres..good job Po”

“Nakakabitin nmn miloves pero bagay kayo ni errol “

“Miloveeees! Bkt nmn ganun?! ung ngiti ko dko alam san aabot sa kilig sa last part”

“May chemistry kayo miloves”

“Hala bagay kayo ni Paul miloves baka siya na ang makakpaagpasaya sa puso mo”

Panoorin dito ang ‘Sama Ka’ short film nina Paul at Jelai:

Diego Loyzaga, aminadong nagso-sorry sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa tuwing sasabak sa intimate scene

Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang respetong ibinibigay niya sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may kakaiba siyang role.

Sa press con ng pelikula nilang Bekis on the Run kasama sina Christian Bables, at Kylie Verzosa ay nakapanayam ng press people si Diego.

Dito ay inilahad niya ang pagiging open niya sa kanyang girlfriend na si Barbie tuwing may mga intimate scene siyang ginagampanan.

Sa nasabing pelikula ay may mga extra scene umanong ibinigay sa kanilan ang direktor na si Joel Lamangan.

Ibig sabihin nito ay may mga scene na ipinapagawa sa kanila kahit wala ito sa script ng pelikula. Tulad na lamang ng kissing scenes.

Sa part ng leading lady na si Kylie pinaguusapan nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ang mga detalye ng respective projects nila para hindi nagkakagulatan pag pinanood na.

Nang si Diego naman ang natanong tungkol dito ay ganun din daw ang ginagawa nila ni Barbie. Pero hindi sila ang tulad ng ibang celebrity couple na walang pakealamn pagdating sa trabaho.

Ani Diego, “No, imposibleng walang pakialaman…imposible ’yon.Although Barbie is an artista, she’s still my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito,’ she’s not gonna feel it? Of course, she’s gonna feel something when she sees it. But doon lang pumapasok ’yong understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang.”

Pero alam daw niyang may awkward moments sa tuwing mapapanood ito ng kanyang kasintahan. Kaya naman mas ginusto nilang ‘wag na lamang panoorin ang pelikula ng bawat isa.

Nanghihingi din siya ng paumanhin sa aktres tuwing may mga intimate scene siyang ginagawa sa pelikula.

The post Jelai Andrea, umani ng samut-saring komento ngayon sa IG matapos ibahagi ang larawan kasama ang isang kilalang aktor appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments