Agad na nakuha ni JK Labajo ang atensyon ng mga netizens sa naging komento niya tungkol kay Cristy Fermin.
Usap-usapan ngayon online ang matapang na komento ni JK Labajo ukol sa komento ni Cristy sa pananamit ni Nadine Lustre.

Matatandaang sinabihan ni Cristy ang aktres na magbalot daw siya ng kanyang katawan upang hindi siya naba-bash.

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao… Lakad nang lakad, rampa nang rampa ng naka two piece. Ewan ko ‘no kung bakit ayaw niyang mag damit. Ngayon nagiging sentro siya ng body sh4ming,” saad ni Cristy.

Hindi pa nakuntento si Cristy sa patutsada niya kay Nadine at sinabing, “Ikaw na hitad ka, ayaw mong magdamit. Pa-show ka ng pa-show kahit saan. Bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. para di ka nababash, magtapi ka.”

Hindi din naman pinalagpas ni Nadine ang pangbabatikos na ito ni Cristy at pabalang din niyang sinagot ang batikang kolumnista.

Trending nga online ang kanilang sagutan at isang tabloid nga ang nagpost ng art card tungkol dito.

Nang makita naman ito ng singer na si JK Labajo, walang kagatol-gatol na nagkomento ito sa nasabing post.

Ani JK, “Inggit ka ghorl??”
Agad namang umani ng napakaraming likes at pinusuan pa ng mga netizens ang komentong ito ni JK. Marami din ang natawa sa sinabing ito ng mang-aawit.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Nako Juan Karlos pag ikaw binanatan ng matandang chismosa”
“Tapang naman ni sis jk”
“matapang na bata ge keep it up”
“Maghanda ka na JK next na kayo ni Maureen titiryahin ni Cristy”
Lolit Solis at Cristy Fermin, humiling kay Willie Revillame ng bagong cellphone na IPhone 13!
Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanilang kahilingan sa sikat na TV Host na si Willie Revillame.
Sa kanyang Instagram post kamakailan, sinabi ni Lolit ang request nila ni Cristy Fermin kay Kuya Wil.
Aniya madali naman daw umanong lambingin ang muli-millionaire na TV host kaya naman nais nila iadvance ang christmas gift nito.

Saad ni Lolit, “Katawa iyon gulo natin sa TIPMMG, Salve. Talagang pressured si Cristy na tawagan si Willie Revillame para makuha ang advance Christmas gift para sa TIPMMG, hah hah.

Ayon kay Manay Lolit iPhone 13 ang request nila kay Kuya Wil.

“Pinilit ko si Cristy na hingin IPhone 13 para sa atin tatlo ni Mr Fu. At dahil pinaka close si Cristy kay Willie, siya ang ginawang ninang sa pag lambing na ibigay na regalo para sa atin ang IPhone 13.

“Kaloka talaga kami ni Cristy na parehong low tech, gusto ganda phone hindi naman namin alam gamitin at iyon lumang Nokia ang talagang gamay namin. Ikaw Salve at si Mr. Fu ang talagang high tech na alam magkalikot ng mga IPhone.”

Saad pa nga ni Manay Lolit ay hindi nila tatantanan ng tawag si Kuya Wil hanggat hindi nito binibigay ang kanilang request.

“Tutal talagang madali lambingin ni Cristy si Willie Revillame kaya parang done deal na ang hinihingi natin IPhone 13, kundi lagot siya kay Japs Gersin at Tina Roa, di namin siya tatantanan ng katatawag, hah hah.”

Sa huli mensahe ni Manay Lolit para kay Kuya Wil,
“Kaya Willie Revillame, sagutin mo na ang tawag ni Cristy, para happy na kami nila Salve at Mr Fu.”
Narito ang kanyang buong pahayag:
The post JK Labajo, may patutsada kay Cristy Fermin matapos nitong sabihang ‘hitad’ si Nadine Lustre! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments