Matapos aminin sa publiko na mayroon ng anak sina Mccoy De Leon at Elisse Joson. Marami ang kinantyawan si Lolit Solis.
Sa kanyang Instagram post ay nagbigay na ng kanyang reaksyon ang batikang kolumnista ukol sa isyung ito.
Ayon kay Lolit Solis, natawa na lamang siya nang mabasa niya ang komento ng mga netizens sa kanya.

Aniya, kapag binalita niya ay sasabihan siyang pakialamera at tsismosa at kapag hindi ay mahina siyang reporter.

“Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah? Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter.”

Kaya naman aniya ay hindi na niya sineseryosos ang mga komentong ito. Meron din naman umanong mga komento na nakakadagdag sa kanyang kaalaman at ipinagpapasalamat niya umano ang mga ito.

Pinuri niya rin ang ilang netizens na ‘magalang’ na nagbibigay ng komento sa kanya at sinabi na hindi niya na pagaaksayahan ng oras ang mga taong ‘mahina ang comprehension’.

“Duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa.” sabi ng talent manager.

Binati niya rin ang McLisse dahil sa “tapang” na ipinakita nila para aminin ang kasalukuyan nilang lagay.
Elisse Joson at Mccoy De Leon, proud na inamin kay Big Brother na meron na silang baby ngayon
Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin na sa publiko nina Elisse Joson at McCoy de Leon na meron na silang baby.
Linggo ng gabi, October 31, inilahad ng dalawa ang rebelasyon sa kanilang guesting sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.
Sa nasabing episode ng Pinoy Big Brother, binisita ng dalawa na kapwa former housemates si Big Brother.

Matatandaang nabuo rin ang kanilang tambalan sa loob ng bahay ni Kuya noong 2016.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob po namin,” pahayag ni Elisse.

“Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” dagdag pa niya.

“This is baby Felisse McCenzie, ayan po, yung pangalan niya galing po siyempre hati sa amin ni McCoy. Siya ang lucky charm po namin. She is our greatest blessing po talaga,” sabi pa ng aktres.

Sabi naman ni McCoy, napili nilang sa “PBB” at kay Kuya aminin at ipakilala ang anak nila ni Elisse dahil doon nga nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin.

Bukod dito, kinuha rin nila si Kuya bilang ninong ng anak nila.
Sagot naman ni Big Brother sa celebrity couple, “Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong alok sa akin, at gusto kong malaman niyo na lubos kong tinatanggap ito.
“Isang karangalan ang maging ninong ng anak ninyo. Higit sa lahat, congratulations, McCoy at Elisse!” sabi pa ni Kuya.
The post Lolit Solis, may nakakatawang reaksyon sa mga komento ng ilang netizens matapos isapubliko ng Mclisse ang baby nila appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments