Nakakagulat na balita ang naging usap-usapan sa social media tungkol sa pagkaubos umano ng yaman ng aktor na si Mark Anthony Fernandez dahil nakikitira na lamang daw ito sa kaniyang kaibigan.
Hindi naman ito nagustuhan ng dating actor kaya naman nagsalita na siya upang bigyang linaw ang lahat.
Pag-amin ni Anthony,
“Totoong nakikitira ako ngayon sa kaibigan ko dito sa Dau Pampanga, pero hindi po dahil naghihirap na ako. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng asawa ko kaya umalis muna ako sa bahay namin. Medyo may kabigatan nang konti dahil ang nangyari, nasa Tarlac ako noon nung huli kaming nagusap ng wife ko, lumipat ako ng Paranaque, hindi kami nagkasundo ng second wife ko kumbaga.”
Dagdag pa ng dating aktor,
“Sana po ay huwag na natin itong palakihin pa dahil personal issue po namin ito ng wife ko. Tulungan niyo na lang po ako na magdasal na sana ay maging maayos na ang lahat between the two of us. Maayos naman ang lagay ko dito. Sa katunayan po niyan may ongoing contract pa po ako sa VIVA ngayon.”
Samantala, naglabas naman ng pahayag and showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis tungkol sa isyu matapos personal na tumawag sa kaniya si Anthony.
Aniya,
“Naku, Salve. Tumawag si Mark Anthony Fernandez at ipinaliwanag kung bakit nakikitira siya sa bahay ng isang kaibigan. Nag-away pala sila ng pangalawa niyang asawa na nagbago daw ng pakikitungo sa kaniya mula nang bigyan niya ng pera at hindi daw totoo na wala siyang pera dahil mayroon siyang contract sa VIVA.”
Pagpapatuloy pa ng talent manager,
“Sabi ko naman mabuti kung maayos naman ang lagay niya, at sana nga ay maayos din ang problema niya dahil he is not getting any younger, matanda na siya at dapat may direksiyon na ang buhay niya. Saka bakit kailangan makitira siya sa bahay ng kaibigan di ba dapat meron siyang sariling bahay at duon siya tumuloy? Pero kung iyon ang mas gusto niya, ok lang pero sana nga hindi madagdagan pa ng problema na iyon kalagayan niya, sana naman, huwag siya iyon case ng getting older refusing to grow up. Sana as he gets older, the better Mark Fernandez will emerge.”
Ayon sa ilang ulat, hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sa kanila ni Anthony na dating anak ng yuma0ng batikang aktor na si Rudy Fernandez. Ang ina naman ni Anthony ay ang kilalang actress-politician na si Alma Moreno.
Saad pa ni Lolit, hindi na nakikinig pa si Anthony sa kaniyang ina na si Alma kaya naman wala din itong magawa para sa anak sa ngayon.
Hindi naman nilinaw ni Anthony kung ano talaga ang totoong dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo ng kaniyang pangalawang asawa. Pero umaasa pa din ang nasabing aktor na sana ay humupa na ang isyu tungkol sa naubos na daw ang kaniyang yaman at ngayon ay wala na siyang pera dahil wala daw itong katotohanan.
Sikat na komedyante noon na si Bearwin Meily, emosyonal na ikinuwento ang malaking hamon na dumating sa kanilang buhay ng kanyang pamilya.
Hindi napigilan ng komedyanteng si Bearwin Meily na tumulo ang kanyang mga luha sa panayam niya kay Ogie Diaz.
Isa si Bearwin Meily sa mga sikat na komedyante noong 90’s. Bentang benta noon ang expression niya na “Yahoong-yahoo.”

Nakilala din siya dahil sa galing niya sa pagma-magic na talagang sinusubaybayan ng lahat.
Hanggang sa nawala siya sa industriya, at nang siya ay bumalik kapansin pansin ang laki ng kanyang pinagbago.

Lalo na sa pangangatawan, kung noon ay isa siyang bilugan kung mailalarawan, nang magbalik showbiz siyang muli ay machong macho na siya.

Huling napanood si Bearwin sa programang “Home Sweetie Home” kasama sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Kasama din si Ogie Diaz, at kamakailan nga ay muling nagkita ang magkaibigan.
Sa kanyang video sa YouTube, ibinahagi ni Ogie ang naging panayam niya kay Bearwin.

Dito ay tila naging emosyonal si Bearwin sa paglalahad ng mga pinagdadaanan ng kanyang pamilya.
Nag-umpisa ang video ni Ogie na nasa isang food park sa Tagaytay.

Doon ay nakalagak ang bagong negosyo ni Bearwin na siya mismo ang nagluluto ng mga order ng costumer.
“Corny Doggy” ang pangalan ng kanyang negosyo, anim na araw pa lamang daw ang nakakalipas ng itayo ito ni Bearwin.

Hanggang sa napunta na sa seryosong usapin ang magkaibigan.
Naitanong ni Ogie kay Bearwin kung paano ba nakaapekto sa kanya ang pandemya.

Saad ni Bearwin wala pa man daw pandemya ay mabigat na ang pinagdaanan ng kanyang pamilya.
Ito ay dahil sa kawalan niya ng trabaho, kinutya siyang laos na at pinagtawanan pa.
Nang maitanong ang tungkol sa kakapusan para sa mga bayarin ay doon na naging emosyonal si Bearwin.
Naibenta daw niya ang kanyang bahay at ibang mga ari-arian para lamang maka-survive.
Panoorin dito ang kanilang video:
The post Mark Anthony Fernandez Nagsalita Na Sa Pagkaubos Ng Yaman Di Umano At Pagtira Sa Kaibigan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments