Hindi maipagkakaila na maraming showbiz personalities ang nasasangkot sa iba’t ibang mga isyu. Ngunit, may pagkakataon na kahit itanggi nila ang tungkol sa katotohanan ay lumalabas pa din ang totoo sa huli.
Narito ang mga celebrities na matagal na hindi umamin sa isyu na kinasangkutan ngunit nabuking din sa bandang huli.
Sarah Lahbati
Taong 2013 nang maiulat ang legal issue sa pagitan ng actress na si Sarah Lahbati at ang home network nito na GMA network. Kasabay ng nasabing isyu ang desisyon ni Sarah na pagpunta sa Switzerland. Ito ay dahil nais niyang doon ipanganak ang una niyang anak sa partner na si Richard Gutierrez. Makalipas ang isang taon, ipinakilala ng celebrity couple ang una nilang anak na si Baby Zion sa reality show na “It Takes Gutz To Be A Gutierrez.”
Ngunit, matatandaan na noong pumutok ang balita tungkol sa pag-alis ni Sarah patungong Switzerland ay maraming netizens ang nagsabi na ang actress ay bunt1s at itatago niya umano ito sa nasabing bansa. Gayunpaman, ang pr3gnancy issue tungkol kay Sarah ay mariing tinanggi ng kampo ni Richard.
Nang malaman na ng publiko ang totoo tungkol sa anak ng celebrity couple, sinabi ni Richard na nagawa lamang nilang itago ang pagbubunt1s ng actress ay dahil nais nilang proteksyunan si Baby Zion sa mata ng publiko at dahil na rin nang mga panahon na iyon ay patuloy pa din tumatakbo ang legal issue na kanilang kinakaharap noon.
Patrick Garcia
Matatandaan na nagkaroon ng relasyon si Patrick Garcia at actress na si Jennylyn Mercado. Sa katunayan nga niyan, marami pa ang kinikilig sa relasyon nilang dalawa. Base sa kanilang kilos, aakalain mo talaga na maganda at masaya ang pagsasama nila. Si Jennylyn ay nabuntis sa unang anak nila ni Patrick.
Ngunit nang mga panahon pala na nasa ibang bansa si Patrick ay iniisip na nito kung siya nga ba talaga ang ama ng pinagbubuntis ng actress. Gustuhin man makita ng actor ang anak, nagtataka siya kung bakit pinagbabawalan siya ni Jennylyn na makita ito.
Makalipas ang ilang taon ay naayos naman ng dalawa ang isyu sa pagitan nila. Pumayag na din si Jennylyn na makita ng actor ang anak nito. Ang kauna-unahang pagkikita naman ng mag-ama ay noong birthday celebration ng anak ni Chesca Garcia.
Julia Montes
Nasangkot naman ang actress na si Julia Montes sa isyu na diumano ay pinagbunt1s niya ang anak nila ni Coco Martin at nanganak sa bansa. Ang isyu sa pagitan nila ng actor ay tila hindi matatapos. Nagkaroon na ng ilang ulat at mga blind item tungkol sa panganganak ng actress sa anak nila ni Coco ngunit nanatili lamang tahimik ang dalawang kampo. Maging ang kanilang relasyon ay hindi din inaamin ng dalawa.
Ayon sa ilang report, nanganak umano si Julia noong Marso nakaraang taon sa San Juan. Ngunit ang balitang ito ay nananatili pa ding tsismis dahil wala pa ding kumpirmasyon tungkol dito.
Maging ang company ni Julia na Cornerstone Entertainment ay nanatiling tahimik sa isyu at sinabi na pumunta lamang si Julia sa Germany para magbakasyon at makasama ang kaniyang biological father. Samantala, isang showbiz insider naman ang nagsasabi na tinatago lamang ng mga ito sa publiko ang kanilang anak.
Hanggang ngayon naman ay walang kongretong ebidensya at pagpapatunay kung ano talaga ang nangyari noong Marso at Abril taong 2019.
Sofia Andres
Ipinaliwanag ni Sofia Andres ang dahilan kung bakit napili niya na itago ang pagbubuntis kay Baby Zoe. Ayon sa actress, sinunod niya ang payo ng kaniyang pamilya dahil nga naman kung malaman ito ng publiko ay baka maraming katanungan ang ibato sa kaniya o di kaya ay siya ay mabatikos na magiging dahilan lamang ng pagka-stress niya gayong bawal ito sa kaniya dahil sa pagbubunt1s.
Matatandaan na nagtungo si Sofia sa Australia noong August 2019 para doon ipagpatuloy ang pagbubuntis at doon din manganak.
Sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong taon ay saka lamang inamin ni Sofia sa publiko na siya ay mayroon ng 7-month-old baby girl. Pinasalamatan niya din ang boyfriend na si Daniel Miranda sa pagiging isang butihing ama at partner sa kanila ni Baby Zoe.
Bugoy Carino and EJ Laure
Matatandaan na naging kontrobersyal ang dalawa noong 2017 dahil sa kanilang relasyon at nasundan pa ng tsismis tungkol sa pagbubuntis ni EJ. Ngunit, mariin namang tinanggi ng dalawa ang isyu nang mga panahon na iyon.
Taong 2019 ay muling bumalik si EJ sa paglalaro ng volleyball sa parehong team pa din na PSL at school na UST. Taong 2019 din ay todo deny pa din ang dalawa sa mga haka haka tungkol sa kanilang anak.
Ngayong Setyembre lamang ay ginulat ng dating It’s Showtime Hashtag member na si Bugoy Carino at volleyball player na si EJ Laure ang maraming netizens dahil sa rebelasyon nila tungkol sa anak na si Baby Scarlet.
Sa kabila ng pag-aming ito, hindi naman sinabi ng dalawa ang rason kung bakit nila napagdesisyunan na itago ang pamilya. Marahil siguro ay menor de edad pa lamang noon si Bugoy nang pumutok ang balita.
Marjorie Barretto
Matagal tinago ang relasyon na namagitan sa dating actress at ex-councelor ng Caloocan City na si Marjorie Barretto dating Mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri. Kahit pa man naging open secret ang relasyon ni Marjorie at Recom, wala pa ding kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa relasyon nila.
Ngunit, nang magkaroon ng away sa pagitan ng magkakapatid na sina Claudine, Marjorie, at Gretchen, biglang pinangalanan ni Marjorie sa panayam niya kay Karen Davila ang biological father ng bunsong anak na si Erich. Sinabi niya na ang ama nito ay ang dating Mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri.
Julia Barretto at Gerald Anderson
Ang isyu sa pagitan nina Gerald Anderson at Julia Barretto ay muli na namang nabuhay.
Matatandaan na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya ang dalawa nang mapabalita ang hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Ngunit, tinanggi naman ng kampo ng dalawa ang mga alegasyon at sinabi na sila ay matalik na magkaibigan lamang.
Gayunpaman, ang isyu ay muli na namang nabuhay matapos mayroong mapansin na kakaiba ang mga netizens sa larawan ng actor na naipost sa kaniyang Instagram account.
Sa nasabing larawan, makikita na hawak hawak ni Gerald ang kamay ng isang misteryosong babae.
Dahil sa nasabing post, ang isyu sa pagitan nila ni Julia ay muli na namang napag-usapan sa social media. Maraming netizens din ang naniniwala na nagpatuloy pa din ang dalawa sa kanilang relasyon.
Mas kumalat ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa nang magsama ito sa isang project upang malabanan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Pinay Celebrities Over 40, Napanatili ang Ganda at Fit na Pangangatawan sa Kabila ng Edad
Ang pagtanda at kagandahan ay isa sa mga bagay na lumilipas kaya naman nakakabilib makita na may ilang mga tao na taglay pa rin ang angking ganda kahit may edad na. Bilang isang celebrity, importante and pisikal na itsura dahil ito ang inihaharap nila sa publiko kung kaya’t matinding pag-aalaga talaga ang kailangan upang makuha ang tinatawag na ageless beauty.
Kilalanin ang mga Pinay celebrities na kahit 40 years old pataas na ay taglay pa rin ang angking ganda at fit na pangangatawan. Mistulang mga dalaga pa na nasa edad 20s to early 30s kung titingnan kaya naman kinabiliban at kinaiinggitan ng maraming netizens ngayon.
Si Ynfane Avanica o mas kilala bilang ANA CAPRI ay sumikat noong 1990s. Siya ay ikinasal sa kanyang Australyanong nobyo na si Dave noong 2019 at ngayong nga ay mayroon ng isang anak na lalaki. Kahit nasa edad 40 ay makikita naman na napanatili niya ang kanyang kagandahan at mukha pa rin siyang bata kumpara sa kanyang tunay na edad.
Si Aubrey Santos Sandel o mas kilala bilang AUBREY MILES ay isang television host, singer, model at aktres. Siya ay may unang anak bago napangasawa ang aktor na si Troy Montero kung saan naman ay nagkaroon siya ng dalawang anak dito. Certified fitness trainer ngayon si Aubrey kaya hindi rin kataka-taka na mapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan.
Si SUNSHINE CRUZ ay isang aktres at singer at kasalukuyan pa ring aktibo sa showbiz. Hindi mo aakalain na mayroon na siyang tatlong dalagang anak sa dating asawa na si Cesar Montano. Sa kasalukuyan ay masaya siya sa relasyon niya sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay na isang businessman.
Si DONNA CRUZ ay isang recording artist at aktres na sumikat rin noong 1990s. Kahit 42 years old na ay makikita pa rin na hindi nagbago ang kagandahan nito. Matagal nang huminto si Donna sa kanyang showbiz career para mapagtuonan ng pansin ang kanyang pamilya. Sa kasalukuyan ay masaya si Donna sa kanyang buhay sa Cebu kasama ang kanyang asawa na si Dr. Yong Larrazabal at kanilang tatlong anak.
Si GENEVA CRUZ ay isang multi-platinum Filipina singer at aktres. Sa kabila ng kanyang edad ay maganda pa rin ang pangangatawan at napanatili rin nito ang kanyang kagandahan. Kahit hindi na siya aktibo sa kanyang showbiz career at pagkanta ay sinisigurado pa rin niya ang pangangalaga sa kanyang sarili. Sa ngayon ay abala siya sa kanyang pamilya at kanyang dalawang anak na sina Heaven at London.
Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas kilala bilang INA RAYMUNDO ay aktres, singer at model. Siya ay ikinasal sa isang Ukranian-Canadian businessman at nabiyayaan ng limang anak. Nakakabilib na kahit nasa 40s na siya ay batang-bata pa ring tingnan at tila parang dalaga pa na nasa late 20s. Gusto niyang patunayan na kahit may edad na at may mga anak ay posible pa ring mapanatili ang kagandahan.
Si LUCY TORRES-GOMEZ ay dating aktres at ngayon ay 4th district representative ng Leyte. Kahit abala sa kanyang karera sa politika at pamilya ay napanatili pa rin ni Lucy ang kanyang angking kagandahan at magandang pangangatawan. Madalas nga itong makatanggap ng mga papuri sa mga netizens dahil tila hindi ito tumatanda at mas maganda pa nga daw kapag nakita sa personal.
Si Angelita Velasquez Aquino o mas kilala bilang ANGEL AQUINO ay aktres at kasalukuyang gumaganap sa long time running show na Ang Probinsyano. Ang edad ni Angel ay hindi naging hadlang upang mapagpatuloy niya ang kanyang karera sa showbiz at kasalukuyan pa ring umaani ng mga papuri sa netizens dahil sa galing niya sa pag-arte.
Si ALICE DIXSON ay aktres, commercial model at dating beauty queen. Siya ay matagal ng kasal sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda at nito nga lamang ay biniyayaan na ng supling. Sa kasalukuyan ay huminto muna si Alice Dixson sa kanyang pag-aartista at pinagtutuunan muna ng pansin ang kanyang anak na sanggol pa. Makikita naman na napanatili pa rin ni Alice ang kanyang kagandahan sa kabila ng edad at pagkakaroon ng anak.
The post Mga Celebrities Na Itinanggi Ang Isyu Na Kinasangkutan Noon Ngunit Sa Huli Ay Lumabas Din Ang Katotohanan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments