Looking For Anything Specific?

Matandang Bulag, Patuloy Pa Din Sa Paglalako Para Makaipon Upang Maipagawa Ang Barung-barong Na Bahay

Marami ang naantig at nadurog ang puso sa kwentong ibinahagi ni Virgelyncares sa kaniyang YouTube channel tungkol sa isang matanda na patuloy na nagtitinda ng walis tampo sa kabila ng kaniyang bulag na mata.

Si Tatay Jimmy na mula sa Tiwi, Albay ay araw-araw na naglalako ng mga paninda niyang walis tambo. Hindi niya alintana ang matinding sikat ng araw habang bitbit ang kaniyang mabigat na paninda dahil sa pagnanais niyang makaipon ng pera.

Naibebenta ni tatay Jimmy ang walis tambo ng halagang 120 hanggang 110 pesos ngunit sa isang piraso nito ay 10 porsyento o 12 pesos lamang ang kaniyang natatanggap dito.

 

Ngunit kahit maliit lamang ang kaniyang kinikita, patuloy pa din na naglalako si tatay upang makaipon ng pera at maipatayo ang barung-barong na bahay dahil siya ay nakikitira lamang ngayon sa kaniyang kamag-anak mula noong masira ng bagyo ang kaniyang tahanan.

Lubhang delikado ang sitwasyon ni tatay Jimmy lalo na at maaaring may mga sasakyan na rumaragasa sa kaniyang mga nilalakaran.

Dumating din sa punto na siya ay tinulungan ng mga taong nakakita sa kaniya para makapagpahinga dahil sa pagod niya noong araw na iyon.

Sa pagsama ni Virgelyncares sa matanda sa buong maghapon ay maswerte itong nakakita ng papakyaw sa kaniyang mga paninda.

 

Maaga silang nakauwi sa araw na iyon at kaagad naman inabot ni tatay Jimmy ang P2,100 na kinita niya sa pinagkukunan niya ng paninda. Siya ay nagkaroon naman dito ng halagang P210.

Labis na nahabag at humanga si Virgelyn sa determinasyon at sipag ni tatay Jimmy na kahit pa man siya ay bulag ay patuloy pa din siyang nagtatrabaho para sa kaniyang pangarap na maipatayo ang kaniyang barung-barong na bahay.

Kaya naman binigyan ni Virgelyn ang matanda ng pera upang matupad ang kaniyang pangarap. Maliban diyan, binigyan din niya si tatay Jimmy ng munting tindahang pangkabuhayan para ito ay hindi na maglako ng walis tambo.

Lola pinalayas sa sariling bahay at lupa ng kanyang màtàpobreng anak na may asawang Foreigner

Ang pinakamahalagang tao sa buhay natin ay ang ating mga magulang. Sila ang nagbigay buhay at nag-aruga sa mga anak. Magmula pagkamulat ng ating mga mata hanggang sa panahong mayroon na tayong tama at sapat na pag-iisip ay kasama natin sila.

Gagawin lahat ang makakaya ng isang magulang, maibigay lamang ang magandang buhay, para sa mga anak. Kaya naman marapat lamang ibalik natin ang pagmamahal at pagsasakripisyo sa ating mga magulang.

Subalit sa Facebook post ng isang netizen, na si Dana Bautista, ibinahagi nito ang kasalukuyang kalagayan nila at ng kanyang matandang ina, mula sa kamay ng kanyang kapatid na may asawang Foreigner.

Source: Dana Bautista

Ang kanyang ina ay 84-taong gulang na at may karamdaman pa, ngunit walang awang pinapaalis sa sarili nitong bahay at lupa ng kanyang kapatid . Kaya pinatuloy muna niya ang kanyang ina sa kanyang bahay.

Pinatituluhan umano ng kanyang kapatid ang lupa ng kanilang ina nang wala umanong pahintulot at ngayon ay nais na nitong paalisin ang matandang ina.

Source: Dana Bautista

Sa kadahilanang mapera ang kanyang kapatid na nakapangasawa ng foreigner nagawa nilang paalisin ang matanda. Hindi na alam ni Dana at kanyang ina ang dapat gawin dahil wala sila pangtapat sa pera ng sariling kapatid.

Masaklap pa nito sila umano ay ididemanda ng sariling kapatid kapag hindi sila sumunod sa gusto nitong umalis sa kanilang mga tahanan.

Source: Dana Bautista

Nakapangalan na ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay sa kapatid kaya naman hindi alam ng mag-ina ang kanilang gagawin dahil kapos din umano sila sa pera. Humuhingi sila ng tulong kung sino man ang nais tumulong sa kanila.

Layunin na ni Dana sa kanyang pagpost na humingi ng tulong sa ginawa ng kanyang kapatid. Ang kanyang ina ay matanda at may karamdaman.

Narito ang Facebook Post ni Dana:

“Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano PO Ang dapat naming gawin.”

“Humihingi po kami Ng tulong, Ito Ang aking nanay, 84 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pinalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha parin at pinapalayas kami. Pinatituluhan Niya ang lupa Ng aking nanay Ng walang pahintulot Ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili Kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ang dapat naming gawin.”

Source: Dana Bautista

Hindi naman nabigo si Dana sa kadahilanang kaliwa’t kanan na ang nagmention kay #RaffyTulfoinAction upang kaagad na maaksyonan ang kasalukuyang kalagayan nilang mag-ina.

Source: Dana Bautista

The post Matandang Bulag, Patuloy Pa Din Sa Paglalako Para Makaipon Upang Maipagawa Ang Barung-barong Na Bahay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments