Looking For Anything Specific?

Naalala Niyo Pa Ba Si Bulilit Star Na Si Clarence Delgado? Ito Na Pala Siya Ngayon

Naaalala niyo pa ba si Clarence Delgado? Isa siya sa mga dating child stars ng kiddie gag show ng ABS-CBN na ‘Goin Bulilit’. Ngunit, ang cute, chubby, at charming little boy na minsan na nating hinangaan sa telebisyon ay isa na ngayong ganap na binata at ang kaniyang glow up transformation ay talagang mapapamangha ka.

Ang glow up ay isang indibidwal na proses na nangyayari sa loob ng tatlo hanggang anim na taon at minsan ay sampung taon pa. Isa din ito sa yugto ng pagbi-binata ngunit ang proseso ng paggo-glow up ay nakatuon sa pisikal na kaanyuan at maturity.

Ang glow up din ay pagkakataon para mahanap ang iyong interes, mga gusto gawin, mga ayaw, talento, at maging ang purpose mo dito sa mundo.

 

 

Si Clarence William Delgado o mas kilala bilang Clarence. Siya ay unang nakilala noong siya ay manalo bilang The Male Winner sa Star Circle Quest 2011. Matapos nito, siya ay sumali naman sa ‘Goin’ Bulilit’ at nakasama din sa ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Maliban sa pagiging acting, siya ay naging host din sa Umagang Kay Ganda.

Siya ay huling lumabas sa telebisyon sa palabas ng ABS-CBN na ‘Wansapanataym’. Sa kabilang banda, ang kaniyang proyekto naman sa big screen ay ang pelikula na ‘Can’t Help Falling in Love’ na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

 

Siya ay lumabas din sa mga pelikula na ‘Way Back Home’ and ‘The M1stress’.

Ngunit, ginulat niya kamakailan lamang ang publiko sa kaniyang glow up transformation.

Sa ngayon, si Clarence ay abala sa kaniyang pag-aaral.

Ang dating child star ay 15-anyos na ngayon.

 

 

Samantala, marami naman sa mga netizens ang namangha sa malaking glow up na nangyari kay Clarence na ang dating cute at charming little boy ay isa ng gwapong binata ngayon.

Pamangkin ni Rico Yan, ginulat ang marami dahil sa malaking pagkakahawig sa aktor!

Rico Yan version 2.0 nga ba?

Hindi maitatanggi na isa sa mga pinaka gwapong aktor noon ang yuma0ng si Rico Yan. Pero parang nag iwan siya ng kanyang pangalawang version.

Kung titignan ang mga larawan ng dating aktor noong siya ay bata pa, malaki ang pagkaka mukha nila ng kanyang pamangkin na si Alfonso Yan-Tueres.

Si Alfonso o mas kilala bilang Alfy ay ang pamangkin ng aktor na tila “carbon copy” ng kanyang tito. Kuhang kuha ni Alfy ang dating at kagwapuhan ng kanyang Tito Rico.

Kaya hindi na nakapagtataka kung papasukin din ni Alfy ang mundo ng showbiz.

Sa ngayon ay Grade 8 pa lang ang 14-year-old kalook alike ni Rico. Siya ang bunsong anak ni  Geraldine Yan-Tueres.

Mahilig sa larong baseball at baskteball si Alfy. Bukod dito, magaling daw din ito magluto.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, hindi muna daw isasalang agad sa pag-arte si Alfy at katulad ng kanyang tito, sa commercials muna siya isasabak.

Nagsimula noon ang former actor bilang commercial ng “Sikreto Ng Mga Guwapo” ng Eskinol Master.

Madla mismo ang nakapansin sa kagwapuhan noon ni Rico hanggang bigyan tawag na “Crush ng bayan.”

Ano kaya ang magiging showbiz career journey ni Alfie? bata pa naman siya at marami siyang oras para matuto sa pag-arte.

Siguradong aabangan ito ng mga fans ni Rico Yan dahil maalala nila dito ang kanilang idolo.

The post Naalala Niyo Pa Ba Si Bulilit Star Na Si Clarence Delgado? Ito Na Pala Siya Ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments