Looking For Anything Specific?

Sila Pala Ang Mga Celebrities Na May Pinakamahal Na Bahay

Lahat naman tayo ay pangarap na maipatayo ang ating dream house. Kaya naman karamihan sa atin ay nagtatrabaho ng mabuti, nagpupursige, at nag-iipon ng pera para lamang maipatayo ang bahay na kanilang ninanais.

Narito ang mga celebrities na mayroong pinakamahal na bahay sa Pilipinas:

10. Anne Curtis

Si Anne Curtis ay isang actress, model, television host, VJ, at recording artist sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN na ‘Its Showtime’. Sa kaniyang 23 taon sa showbiz, naipatayo na niya ang kaniyang dream house sa southern part ng Metro Manila. Ito ay isang modern Victorian home na matatagpuan sa isang suburban private subdivision kung saan lahat ng bahay ay mayroong American style at magkakamukha ng exterior design.

9. Bea Alonzo

Si Bea Alonzo ay isa sa mga sikat aktres sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kaniyang mga teleserye at pelikula. Ayon kay Bea, siya ay naninirahan sa isang condominium sa matagal ng panahon. Ito ay mayroon lamang na maliit at limitadong space. Kaya naman nais ni Bea na manirahan sa malaki at spacious na bahay. Lahat naman ng kaniyang paghihirap at sakripisyo sa trabaho ay nagbunga dahil naipatayo niya ang kaniyang dream house sa edad na 26. Ang kaniyang 3-storey house ay nakatayo sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Ito ay mayroong motif na Asian contemporary at modern design na may mala-hotel na finish.

8. Daniel Padilla

Si Daniel Padilla ay tinawag bilang “Teen King” at “King of Hearts” dahil siya ay isa sa pinakatanyag na aktor sa kanyang henerasyon. Ipinares siya sa aktres na si Kathryn Bernardo at ang kanilang loveteam ay talagang naging hit sa marami. Ang bawat pelikulang pinagbibidahan nila ay nagiging blockbuster at kumikita ng milyun-milyong pera. Ngunit ang kahanga-hanga kay Daniel ay nakapagpatayo na siya ng kanyang dalawang palapag na bahay sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City sa edad lamang na 20. Mayroon itong motif na modern Meditteranean design. Ang bahay ay regalo ni Daniel para sa kanyang ina na si Karla Estrada na matagal nang nais na makapagpatayo sila ng kanilang sariling bahay.

7. Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo ay binansagan bilang “Pop Princess” at “Popstar Royalty” ng Pilipinas. Bukod sa pagiging artista, mayroon din siyang kamangha-manghang talento sa pagkanta. Si Sarah ay lumaki sa isang mahirap na pamilya ngunit ginawa niya itong inspirasyon at motivation para siya ay magsumikap at maging matagumpay sa buhay.

Sa ngayon si Sarah ay isa sa pinakamayamang personalidad sa Pilipinas. Sa edad na 31, naipatayo na niya ang kanyang dream house sa Quezon City.

6. Regine at Ogie Alcasid

Sina Regine at Ogie Alcasid ay isa sa pinakatanyag at maimpluwensyang personalidad sa Philippine showbiz industry. Tinawag si Regine bilang “Asia’s Songbird” dahil sa kanyang angking galing sa pagkanta. Samantala, bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit,  Ogie ay isa ding komedyante. Naipatayo naman ng celebrity couple ang kanilang 3-storey dream house sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Ito ay itinayo sa tuktok ng burol. Ang bahay ay ini-renovate din taong 2015 kung saan ang motif nito ay isang modern at contemporary na bahay. Ang dekorasyon nito ay nagmula pa sa mga premyadong artista tulad nina Ann Pamintuan at Kenneth Cobonpue.

5. Vice Ganda

Si Vice Ganda ay isa sa pinakatanyag at matagumpay na personalidad sa kanyang henerasyon. Tinawag siyang “Unkaboggable Star” dahil bukod sa telebisyon, halos lahat ng kanyang pelikula ay naging blockbuster tulad ng Praybeyt Benjamin, Beauty at the Bestie, at marami pang iba. Siya ay tinawag ding “Phenomenal Star” sa kanyang henerasyon. Nagbunga naman ang lahat ng kanyang pagsusumikap nang maipatayo niya ng kanyang 3-storey dream house sa Quezon City. Ito ay mayroong motif na modern na may minimalist appeal kung saan ang mga deokarasyon nito ay minimal lamang.

4. Vic Sotto

Si Bossing Vic Sotto ay kilala bilang “Prince of Comedy” sa Pilipinas. Sa edad na 66, nakilala siya bilang isang mahusay na artista, komedyante, host sa TV, at mang-aawit. Sa kasalukuyan siya ay isa sa mga pangunahing host ng longtime-running noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga. Si Bossing Vic ay isa sa pinakamayamang personalidad sa Pilipinas. Ipinatayo niya ang kanyang bagong 2-storey na mansion sa isang exclusive subdivision sa Quezon City para sa kanyang asawang si Pauleen Luna at kanilang anak na si Tali. Ang bahay ay may kumbinasyon ng modern Asian at tropical concept.

3. Coco Martin

Si Coco Martin ay tinawag bilang “King of Philippine Television” dahil sa kanyang kilalang pelikula at serye sa telebisyon tulad ng Walang Hanggan at FPJ’s Ang Probinyano. Bukod sa pagiging artista, si Coco ay isa ring producer at direktor ng Ang Probinsyano. Naipatayo din niya ang kaniyang 2000 sqm tropical-inspired dream house sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Mayroon itong swimming pool, cabana, bar area, at gazebo.

2. Willie Revillame

Si Willie Revillame ay isang Filipino television host, singer, songwriter, businessman, actor, at comedian. Siya ay nakilala dahil sa kaniyang talento pagdating sa  pagho-host. Siya ay naging pangunahing host ng iba`t ibang kilalang variety show tulad ng “Wowowee” sa ABS-CBN, “Wil Time Big Time” sa TV5, at ang kasalukuyang show na “Wowowin” sa GMA-7.

Isa rin siya sa highest-paid na personalidad sa Pilipinas. Si Willie ay nagkaroon ng interes sa mga mamahaling bagay tulad ng yate, private planeero, private helicopter, mga mamahaling kotse, at ang kanyang bagong three-story house sa Tagaytay. Ang bahay ay itinayo sa 5 hectares ng lupa kung saan makikita ang Bulkang Taal. Ito ay isang tropical-inspired look kung saan ang kanyang bahay ay inspired sa Bulgary Hotel and Resort sa Bali, Indonesia.

Ayon kay Willie, nais niyang magtayo ng isang hotel at mga private villa upang mapakinabangan ang lupa, ngunit nang maisip niya ang tungkol sa kanyang pagreretiro kaya nagpasya siyang magtayo na lamang ng isang bahay sa lugar.

1. Manny Pacquiao

Si Manny Pacquiao ay isa sa pinakakilalang tao sa buong mundo. Siya rin ay isang actor, singer, businessman, basketball player, at kasalukuyang Senador sa bansa. Sa kanyang tagumpay sa boksing, siya ay pinangalanan bilang “Six Richest Boxers of All Time” na may net worth na nagkakahalaga ng $190-M o P9.5-B. Dahil sa kanyang tagumpay na dinala niya para sa bansa, wala namang mali kung maranasan niya ang isang marangyang buhay tulad ng pagbili ng isang bahay sa Forbes Park sa Makati City na nagkakahalaga ng $9.5-M o P388-M noong 2011. Ang bahay ay bagong renovate lamang noong taong 2019. Ngunit kamakailan lamang, ito ay nai-post na para maibenta sa halagang P2-M.

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Mayroong Bilyonaryong Asawa

Karamihan sa mga kababaihan ngayon ay nagkakaroon ng mataas na pamantayan sa lalaki na pipiliin nilang pakasalan, ngunit anuman ang mga katangian o bagay na mayroon sila, ang mga kababaihan ay mahuhulog pa din sa isang lalaki na mayroong maayos na trabaho at kita dahil nais nilang magkaroon ng maganda at komportableng pamumuhay sa hinaharap at upang mabigyan ang kanilang mga anak ng mas magandang kinabukasan.

Wala sa atin ang nais na mabuhay nang mag-isa ngunit lahat ng mga tao ay kailangan ding ng may maayos na kita para magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit ang pagpapakasal sa isang magalang, guwapo, mapagmahal, at mayamang lalaki ay katulad na lamang ng pagkapanalo ng jackpot prize sa lotto.

Narito ang ilang mga personalidad na mayroong bilyonaryong asawa:

10. Bangs Garcia-Billamore

Si Bangs Garcia ay isa sa mga in-demand na aktres sa kanyang henerasyon sa showbiz industry. Ikinasal siya sa negosyanteng Filipino-British at property developer na si Lloyd Birchmore. Sa katunayan, ang dalawa ay nagpakasal ng tatlong beses. Ang una ay isang civil wedding sa London noong Setyembre 2016, sumunod naman ay nagpakasal ang dalawa sa simbahan sa Boracay noong Enero 2017, at beach wedding na ginanap din sa Boracay.

9. Nina Jose-Quiambao

Unang nakilala si Mary Clarie Nina Jose-Quiambao sa showbiz industry noong siya ay sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006. Ikinasal ang dating PBB housemate sa isang billionaire politician na si Mayor Cezar Quiambao na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation.

8. Kaye Abad-Castillo

Si Katherine Grace Abad-Castillo o mas kilala bilang Kaye Abad ay isa sa mga kilala at magaling na aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay unang nakilala nang siya ay maging miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN. Siya ay ikinasal sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo.

Si Paul Jake ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang bahay, rest house, at farm sa Cebu. Bukod dito, ang kaniyang pamilya din ang nagmamay-ari ng mga kilalang kompanya sa bansa tulad ng Casino Alcohol, Bioderm, at Efficascent Oil.

Si Paul Jake ay may-ari din ng isang lechunan sa Cebu na tinawag niyang Yobob.

7. Dawn Zulueta-Lagdamaeo

Si Dawn Zulueta o Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa tunay na buhay ay isa sa mga kilalang aktres, TV host, at commercial model sa Pilipinas. Siya ay ikinasal kay Anton Florendo Lagdameo Jr. noong 1997. Si Anton ay isang mayamang Pilipino. Siya ay isa ding politiko at negosyante.

Si Anton ay kabilang sa wealthy clan ng Florendo sa Southern Mindanao.

6. Julia Clarete-McGeown

Si Edda Giselle Rosetta Nunez Clarette o mas kilala sa kaniyang screen name na Julia Clarete ay sang TV host, singer, at aktres. Siya ay dating co-host ng Eat Bulaga at ikinasal sa Irish national na si Gareth McGeown.

Si Gareth ay Coca-Cola Commercial Director ng Malaysia, Singapore, at Brunei.

Ikinasal ang dalawa sa isang private wedding noong Hulyo 2017 sa Ireland.

5. Beauty Gonzales-Crisologo

Si Beauty Gonzales-Crisologo ay isa sa mga kilalang aktres sa Philippine showbiz industry. Siya ay unang nakilala noong siya ay sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother kung saan siya ang naging 4th placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Ikinasal si Beauty sa negosyante na si Normal Crisologo sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Si Norman ay isang mayamang negosyante. Siya ay isa ding art curator ng mga luxurious paintings at art collections.

4. Pauleen Luna-Sotto

Si Pauleen Luna o Marie Pauleen Jimenez Luna-Sotto sa tunay na buhay ay isang aktres at TV host ng longest-running noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga. Siya ay ikinasal kay Bossing Vic Sotto sa isang church wedding sa Alabang noong 2016.

Si Bossing ay tinuturing bilang Prince of Comedy at isa din sa mga main host ng Eat Bulaga. Siya ay isa sa mga pinakamayamang personalidad sa bansa. Si Pauleen ay 34 taong mas bata kay Vic ngunit mapapansin na hindi naman nila pinapansin ang layo ng agwat ng kanilang edad sa isat isa dahil sila ay masayang namumuhay ng magkasama kasama ang kanilang anak na si baby Tali.

3. Krista Ranillo-Lim

Si Cristalle Lauren Tupaz Ranillo-Lim o mas kilala bilang Krista Ranillo ay dating sexy actress at nagmula sa showbiz family. Siya ay ikinasal sa kaniyang childhood sweetheart na si Nino Jefferson Lim noong 2010. Ang dalawa ay nagpakasal sa isang Jewish wedding ceremony sa Hotel Maya sa Long Bridge California, America.

Si Jefferson ay isang mayamang negosyante. Siya ang CEO at founder ng kilalang supermarket chain sa America ang Island Pacific Supermarket. Ito ay mayroon ng mahigit na 16 branches sa America.

2. Gretchen Barretto

Si Gretchen Barretto ay isa sa mga sikat at magandang aktres sa Pilipinas. Siya ang partner ngayon ng kilalang business tycoon na si Tony Boy Cojuangco.

Si Tony Boy ang dating chairman ng AirAsia at PLDT. Siya ay kasalukuyang local partner ng Okada, isa sa mga kilalang casino sa bansa.

1. Assunta de Rossi-Ledesma

Si Assunta de Rossi-Ledesma ay isa sa mga kilalang aktres sa bansa. Siya ay ikinasal sa mayamang negosyante at politiko na dating Negros Occidental Congressman na si Jules Ledesma. 19 taong gulang lamang noon si Assunta nang siya ay magpakasal kay Jules habang ang huli ay 41 na.

Si Jules ay ipinanganak sa isang mayaman at kilalang clan ng Ledesma sa Negros Occidental. Ang kaniyang pamilya ay may-ari ng ilang mga properties. Sila ay nagmamay-ari din ng isang kumpanya na kilala sa pagma-manufacture ng asukal sa sugar industry sa bansa.

The post Sila Pala Ang Mga Celebrities Na May Pinakamahal Na Bahay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments