Preggy nga ba ang Kapuso Aktress na si Wynwyn Marquez?
Wynwyn Marquez, ang 29 years old na Filipina Actress. At isa ring beauty queen na siyang pinarangalan bilang Reina Hispanoamericana Filipinas title in the Miss World Philippines 2017. At nanalo rin bilang Reina Hispanoamericana 2017 title in Santa Cruz, Bolivia.
Expecting her first baby sa kaniyang non-showbiz boyfriend. Inanunsiyo niya ito sa kaniyang vlog na “The Start of a New Chapter”
“Yes.. there it is. Me and my partner we’re both so happy. My family, everyone super saya namin,” ani ni Wynwyn na sobrang saya sa ani niya “Good Christmas Gift” raw sa kaniya at sa buong pamilya.
Masaya niyang ibinahagi ang mga reaksiyon ng kaniyang parents at ng ibang myembro ng pamilya nang isiniwalat niya sa kanila ang kaniyang pregnancy news.
Nanahimik siya sa mga rumors na kumakalat tungkol sa pagbubuntis niya dahil mas gusto niya itong pribado. Ngunit ani pa niya may parte sa kaniya na gusto niyang ibahagi sa kaniyang supporters and subscribers ang magandang balita.
“Gusto ko sabihin sa inyo yung nangyari sa akin and yung blessing na binigay sa amin. We’re so happy. Me and my partner are so happy. We’re over the moon. I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” ani niya sa vlog.
Kabado raw siya sa maaari niyang maging sitwasiyon sa kaniyang pagbubuntis ngunit sinabi niya naman na pangangalagaan niya ito.
Supportado naman daw siya ng GMA Family sa kaniyang desisyon at mas mabuti raw i-priority ang sarili at ang kaniyang baby.
The post Aktres na si Wynwyn Marquez, ginulat ang marami ng ibahagi ang kanyang pagbubuntis ngayon! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments