Sa panahon natin ngayon na usong uso na ang paggamit ng social media ay wala na tayong maililihim pa dahil isang post mo lamang, tiyak na malalaman na kaagad ng mga tao kung nasaan ka at ano ang iyong ginagawa.
Kahit ang mga personalidad kagaya ng mga artista ay nawawalan na din ng kanilang privacy dahil isang post lamang nila ay alam na kaagad ng publiko kung sila ay nasaan, ang kanilang ginagawa, maging ang kanilang kasama.
Gayunpaman, sa kabila ng negatibong dulot ng social media, may ilan din namang magandang naidudulot ito sa atin. Katulad na lamang ng maaari tayong makipag-usap sa ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan na malayo sa atin.
Bukod pa diyan, maaari din nating ibahagi sa ibang tao ang saya at kaligayahan na ating nararamdaman, maging ang mga masasayang alaala ng ating bakasyon kasama ang ating mga mahal sa buhay.
Kagaya na lamang ng aktres na si Cherry Pie Picache. Sa kaniyang social media post, ibinahagi niya ang ilang larawan kuha ang New York trip nila ng ilan sa kaniyang mga kaibigan kagaya nina Sunshine Dizon at Arci Munoz.
Siyempre, hindi mawawala ang kaniyang kasintahan na si Edu Manzano. Maraming netizens ang nagulat nang malaman ang tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa ngunit marami din ang nagbigay ng suporta sa kanilang relasyon.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng dalawa ang tungkol sa naunang relasyon ng dalawa at ang kanilang mga anak. Sila ay naging mabuti din namang asawa at magulang kaya nararapat lamang na pagbigyan muli ang kanilang mga puso na magmahal.
Inaabangan palagi ng marami ang kanilang social media upang makakuha ng update sa kanilang relasyon. Marami din ang kinikilig sa relasyon nina Edu at Cherry Pie lalo na at kitang-kita sa mukha ng dalawa kung gaano nila kamahal at kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.
The post Bagong Larawan Ng Magkasintahang Cherry Pie Picache At Edu Manzano, Nagpakilig Sa Maraming Netizens appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments