Ang kasal ay isa sa pinaka espesyal na araw para sa dalawang taong nagmamahalan. May iba na nais magkaroon ng isang bongga at engrandeng kasalan para maging memorable ang araw ng kanilang kasal kaya naman todo paghahanda nila.
Gayunpaman, may iba naman na mas pinipili na magkaroon ng simpleng kasal dahil wala ang pinaka importante sa kanila ay maipakasal sa taong gusto nilang makasama habang buhay.
Katulad na lamang ng bagong kasal na ito na umantig sa puso ng marami.
Sa mga larawan na ibinahagi ng Facebook page na “Partidarios”, makikita simpleng handa na mayroon ang bride at groom. Kapansin pansin din ang pagiging simple ng kanilang reception area at tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang din ang kanilang inimbitahan sa kanilang kasal.
Gayunpaman, kahit simple ang kasalan at kanilang reception, bakas pa din sa mukha nila ang saya at tuwa dahil ang pinaka importante naman talaga ay sila ay nagmamahalan.
Umani naman ng iba’t ibang komento at reaksyon mula sa online community ang naturang post. Para sa marami, kahit engrande, magarbo, o simple lamang ang kasal, ang mahalaga ay naikasal ka sa taong nais mong makasama habang buhay.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Congrats po and may God always blessed you both and your family. Ang mahalaga ikinasal kayo at kahit Hindi ganoon ka grande, basta meron okay na yun”
“Mas okey na yung ganito atleasst nagmamahalan di tulad ng iba sobrang engrande naghihiwalay naman di na nahiya sa diyos.”
“Ok na yan kesa naman nabaon sa utang makapagpabongga lang lalo na sa panahon ngayon. Congrats newlyweds and best Wishes!”
“congratz…ok lng yan hindi kailangan ang mgarbong kasalan o handaan kung utang lng din nman…mas maayos p ang simple n nakayanan nyo isa p pandemic tayo…ang mahalaga magsasama kayo ng legal at may basbas ng DIYOS NG MAYKAPAL…ung iba nga nagsasama n lng di ba…wala s garbo ng kasalan makikita ang inyong pagmamahalan…”
The post Bride At Groom Na Simple Lamang Ang Handa Sa Kanilang Kasal, Pinuri Ng Mga Netizens appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments