Nitong nakaraang araw ay ginulat ng beteranong broadcast-journalist, radio at TV host, at Presidente ng RGMA na si Mike Enriquez ang publiko nang maglabas ng statement ang home network nitong GMA-7.
Ayon sa inilabas nilang pahayag, nagpaalam sa kanila ang news anchor at TV host na mawawala ito ng matagal dahil kailangan niyang bigyan ng pansin ang kondisyon niya ngayon at sumailalim sa isang medical procedure.
Hindi ito ang unang beses na nagpaalam si Mike sa trabaho dahil noong 2018 ay nag-file din ito ng medical leave of absence upang mapaghandaan naman ang kaniyang quadruple heart bypass surgery.
Ayon sa inilabas na full statement ng management ng network,
“GMA Network, Inc. has announced that its senior radio-tv anchor and concurrent RGMA Network, Inc. president Mike Enriquez will take a medical leave of absence. He will undergo a medical procedure that will require hospital confinement and, afterwards, a minimum of three months isolation period as advised by his doctor. He is expected to be back at work in time for GMA’s massive Eleksyon 2022 coverage.
“In a statement, GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon said, ‘We support Mike’s decision to undergo the procedure that he needs. We ask for everyone’s prayers and we wish him Godspeed. We look forward to welcoming Mike back as soon as he is cleared to return to work.
“Mike said he looks forward to the healing he has been praying and preparing for. He also looks forward to resuming his duties specially for GMA’s Eleksyon 2022 coverage.”
Noong August 22, 2018, nang ipahayag ni Mike sa publiko ang kaniyang naka-schedule na bypass sur6ery pati na din ang pagkakaroon niya ng kidney problem. Ayon sa kaniya, namana niya sa kaniyang ama ang sakit na iyon at kailangan niya ng regular na pagpapagamot.
Dagdag din niya, ang heart surgery na kailangan niyang pagdaanan ay isang pangkaraniwang operasyon na hindi niya kailangang pangambahan. Sinigurado din ng kaniyang mga doktor na makakabalik ito sa normal niyang mga aktibidad matapos sumailalim dito.
Nang sumunod na taon naman, naibalita na ang kaniyang kidney disease ay nasa advance stage na at kinakailangan niya ng transplant. Kasabay ng paghahanda niya sa heart bypass surgery niya, ipinagdarasal din niya na mag-qualify siya para sa isang kidney transplant. Mahirap din kasi ang pinagdadaanan nitong treatment kung saan kailangan niyang magpa-dialysis tatlong beses sa isang linggo. Pagkatapos kasi ng bawat session ay lutang na ang kaniyang pakiramdam at mahirap na din para sa kaniyang edad ang mga procedures na iyon dahil bugbog na din ang kaniyang katawan sa dialysis.
Inihanda din siya ng kaniyang mga doktor para sa isang transplant. Sumailalim din siya sa karagdagang pagsusuri upang matukoy kung siya ay karapat-dapat para dito.
Matatandaan din sa kaniyang interview noon, sinabi niya na ang orihinal na rason ng pagka-confine niya sa ospital ay hindi dahil sa kondisyon niya sa puso kundi dahil sa kaniyang congested lungs na sanhi na din marahil ng kaniyang pagkakaroon ng diabetes. Ang pagtaas ng kaniyang blood sugar ay sinabi niyang malamang ay dahil sa pagkasira ng kaniyang kidneys. Nakita ito ng mga doktor matapos niyang sumailalim sa ilang mga medical tests.
Nang gawin nila ang ECG o Electrocardiogram, nakita ng mga doktor na may mali sakaniyang puso kaya naman ito ay sumailalim sa 2D echo at andiogram. Doon na sinabi sa kaniya na kinakailangan niya ng heart bypass dahil nakitaan ang kaniyang puso ng bara sa tatlo hanggang apat na arteries.
Ang kagandahan lang sa mga pinagdaanan ni Mike ay hindi ito naging emergency case at naiplano pa niya ang kaniyang operasyon at maaga siyang nakitaan ng problema sa katawan at naagapan ito. Bago din maganap ang kaniyang heart bypass, nilagyan din siya ng pigtail o coil tube para ma-drain ang tubig sa kaniyang baga. Dagdag pa niya, ang mga doktor na sumuri sa kaniya ang siya ding tumulong sa paggagamot ng kaniyang ama.
Kwento pa ni Mike, minsan sa isang buwan ay dadalaw ito sa puntod ng kaniyang ama kasama ang pamilya at maglalagay ng bulaklak. At sa minsan niyang pagdalaw, nagbiro pa si Mike sa kaniyang ama at sinabing sa lahat ng mamanahin niya dito ay problema sa kidney, puso, at baga ang kaniyang nakuha.
Matapos ang kaniyang heart bypass sur6ery, marami na siyang kailangang iwasan na mga pagkain tulad ng nuts at beans at isa din sa mga paborito niyang prutas na bawal ay ang saging. Masama daw ito para sa kaniyang kidneys at kailangan niyang kumain ng maraming protein dahil siya ay sumasailalim sa dialysis. Kailangan din niyang i-monitor ang kaniyang water intake at hindi maaaring uminom ng kape. Subalit minsan ay hindi niya maiwasan dahil na din sa pagiging coffee drinker niya.
Kailangan din niya na madalas mag-exercise pero hindi dapat ito mapagod at kailangan din maiwasan ang stress. Patuloy din naman ang kaniyang cardiac rehab matapos ang heart sur6ery. Dahil mahilig siyang mag-travel kasama ang asawa at ilang kaibigan, pinayuhan din siyang umiwas sa mga mahahabang oras ng byahe.
Inamin ni Mike na ang pagsailalim niya sa di4lysis ay habang buhay na niyang gagawin maliban na lamang kung sasalang siya sa kidney transplant. Subalit hindi niya maaaring gawing iyon noong mga panahong iyon dahil mahina pa ang kaniyang puso kaya naman umaasa siya na kapag dumating na ang tamang oras at panahon ay makakahanap sila ng kidney donor kapag kailangan na nila.
The post Ito Pala Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Namaalam Si Mike Enriquez Sa GMA Network appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments