Looking For Anything Specific?

Eric ‘Eruption’ Tai, sinupalpal ang isang netizens na bumatikos sa pangangatawan ng kanyang asawa!

Ibinida ni Eric ‘Erupti0n’ Tai ang kanyang misis matapos batikusin ng netizen ang pangangatawan nito.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Eric ang larawan ng kanilang masayang pamilya. Habang ipinagdiriwang ang kapaskuhan.

Makikita sa nasabing larawan na tila nasa isang resort ang kanilang pamilya. At nakasuot sila ng kanilang mga swimming attires.

Ani Eric sa kanyang caption, “From the bottom of my maskels, a SAFE & BLESSED-MERRY CHRISTMAS to your family from mine!”

 

Ang masayang pagbati na ito ni Eric ay nabahiran naman ng pan6un6utya. May isa kasing netizen ang nagkomento at pinuna ang pangangatawan ng misis ni Eric.

Komento ng nasabing netizen, “Why bro, you can advise someone who can work out, but your wife you can’t teach her to be fit.”

“Pag-exercisesin mo naman ‘yung asawa mo, lods. Idamay mo naman siya sa pagka-healthy mo.”

Imbes na magpaapekto ay pinili ni Eric na ibida ang kanyang misis upang ipaalam kung gaano siya ka proud dito. Aniya, isa ang kanyang misis sa mga plus size model sa bansa at maraming mga brands ang kumukuha dito.

“She’s one of Philippines most sought-after plus-size model. Actually one of the best. You’ll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM & many more advertisements, prints and commercials,” malumanay na sagot ni Eric.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa naging sagot na ito ni Erupti0n.

Samantala, nagpost din ang misis ni Eric na si Rona tungkol dito. Aniya “Yes, feel free to ZOOM in. Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t phase me”

The post Eric ‘Eruption’ Tai, sinupalpal ang isang netizens na bumatikos sa pangangatawan ng kanyang asawa! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments