Isa sa pinaka hinahangaang personalidad ngayon ay ang celebrity dermatologist na si Dra. Vicky Belo dahil bukod sa kaniyang angking talento sa pag papaganda ng mga kilalang artista ay talaga namang #lifegoals kung maituturing ang kaniyang buhay!
Sa kaniyang social media accounts kagaya ng Instagram at kaniyang vlogs, makikita kung anong klaseng buhay ang tinatamasa ng doktora at kung gaano siya kamahal ng mga primyadong aktor at mga aktres ng industriya dahil sa kanilang koneksyon.

Kung kaya naman madali na lang sa kaniya ang bumili ng kahit na anong luxury items kagaya na lamang ng mga bags, shoes, at kung anu-ano pa!
At bilang pasasalamat sa kaniyang napaka gandang buhay na tinatamasa ay naging kaugalian na ng doktora ang magbigay ng regalo at handog sa malalapit na tao sa kaniya, at kahit sa mga estranghero na maaring mabuo ang araw dahl natulungan niya.
Isa na rito ang isang grab driver na hindi napigilang maging emosyonal matapos mapag tanto na isang Dra. Vicki Belo ang naging daan upang makumpleto ang pasko niya.
Sa vlog ng celebrity doctor, ibinahagi niya na nais niyang gumawa ng isang mumunting act of kindness para sa isang random stranger, at isang grad driver ang napili niya.
Umorder ng samu’t saring pagkain ang doktora at inantay itong maideliver sa kaniyang bahay, ngunit pagdating ng rider ay sinabi ni Belo na para sa kaniya talaga ang inorder nito.
Sa una ay hindi pa makapaniwala ang rider ngunit mas lalo pa siyang nagulat matapos abutan pa ni Belo ang ginoo ng walong libong pisong dagdag para sa kaniyang regalo!
Samantala, narito naman ang reaksyon ng netizens sa kaniyang vlog:
“Vicky Belo has really a good heart… That’s why she was so bless… God bless vicky.”
“It’s nice to see people like Dra. Vicki Belo with a big heart and very humble.”
“More blessings pa po Doc Vicky para marami pa kayong matulongan,God bless you.”
The post Isang grab rider, naiyak na lamang sa gulat matapos pakitaan ng tunay na ugali ni Dra. Vicky Belo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments