Looking For Anything Specific?

Isang Lalaki Na Hindi Nakatapos Ng Pag-aaral, Isa Ng Milyonaryo Dahil Sa Pagpastol Ng Baka

Sabi nila, kapag hindi ka nakatapos ng pag-aaral, hindi ka aasenso ngunit taliwas ito sa mga totoong nangyayari sa komunidad dahil namulat tayong mga Pilipino sa ideyang ang makapag-aral at makapagtapos ang tanging pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ng ninuman at ito naman talaga ay pawang may katotohanan.

Ngunit para sa mga hindi nabigyan ng pagkakataon na makapagtapos ay wala daw pag-asa ngunit ang tagumpay ay hindi lamang para sa may tinapos ngunit pati na rin sa mga nagpupursige sa buhay.

Narito ang kwento ng buhay ng lalaking ito na hindi nakatuntong ng kolehiyo at high school dahil sa kahirapan. Ang lalaking ito ay si Saipol Azmir Zainuddin na taga Malaysia ay namusakan bilang isang construction worker noon upang makatulong sa pamilya dahil narin sa kahirapan. Malinaw para sa kanya na ang gusto niyang maging Farmer lamang dahil simple lang ang kanyang pangarap.

Ito ang wika niya ” Although I dropped out of school way earlier than my friends, that didn’t break my spirit, because being a farmer has always been my dream.”

Naging wais ang pag-iisip niya dahil ang kanyang mga natatanggap na sahod galing sa kanyang mga unang trabaho ay naisipan niyang ipunin para magsimula ng sariling pagkakitaan, kaya ang bawat ipon niya sa sahod ay binibili niya ng isang batang baka or Calf.

At sa edad na 18, nakabili siya ng halos 300 na baka at dun na nagsimula na magtayo sila ng Farm ng kanyang ama. Sa patuloy na pagsisikap sa Edad na 19 stable na ang kanilang buhay at may sarili na rin silang bahay at sasakyan, at dahil naisip niyang palaguin pa ang kanyang Farm kaya nagloan ito ng RM 100,000 sa isang Farmer Organization sa Malaysia. At sa tulong na rin ng iba pang government agencies nag-expand ang market ng kanyang negosyo sa buong Malaysia.

Hindi lang pagpapayaman ang inaatupag niya, sinisigurado niya ring malusog at maganda ang kanyang mga alaga upang hindi magkaroon ng problema at magampanan niya ng maayos ang kanyang pangarap na maging farmer. Taong 2017, halos kumita siya ng RM1000,000 na halos katumbas ng 13,000,000 dahil lang sa pagiging farmer. Bukas palad din siya sa mga taong gustong matuto at may interest sa ganitong pagnenegosyo, gusto niyang tulungan at turuan upang maging isang successful farmer.

Hindi natin akalain na ang isang batang hindi nakapagtapos o hindi man lang naka tungtong ng high school ay magiging isang successful farmer at halos triple pa ang kanyang kinikita kumpara sa mga may mataas na tinapos. Lagi lang nating tatandaan na hindi nababase ang pag-asenso sa kung anong meron ka dahil sa huli sipag at tiyaga lang ang kailangan upang makaabot ka sa iyong pinapangarap na buhay.

The post Isang Lalaki Na Hindi Nakatapos Ng Pag-aaral, Isa Ng Milyonaryo Dahil Sa Pagpastol Ng Baka appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments