Isang araw habang nasa labas ang dalagang si Eden hindi niya maiwasan na mapalingon sa kanyang mga kapitbahay na pinagkakaisahan at pinagtatawanan ang isang lalaking parang pulubi.
“Hoy, wag ka nga dito umalis ka dito pulubi ka” – Galit na sabi ng isang lalaking nakatambay habang tinutulak ang isang lalaking gusgusin na humihingi ng limos.
“Mayroon na naman nakursunadahan ang mga lokong ito. Kawawa naman yung pulubi” sambit ni Eden sa kanyang isip habang kinakaladkad ng mga kapitbahay ang isang marungis na pulubi.
Dahil sa sobrang pagkaawa hindi na natiis ni Eden na ito ay ipagtanggol.
“Tigilan niyo na yan! Pati walang laban na pulubi pinapatulan niyo pa” aniya.
Subalit imbis na pakinggan ay pinagtawanan pa si Eden ng mga lalaking tambay.
“Pwede ba ha miss, wag kang makialam! Bakit, lalaban ka ba sa amin?” sagot ng isang lalaking tambay.
Sasagutin pa sana ni Eden at lalaban ang lalaki ngunit pinigilan siya ng pulubi.
“Hayaan mo na sila. Ayos lang naman ako” tugon ng pulubi
“Sobra na kasi ang mga yan! Walang ginawa kundi ang manghamak at mang-api sa kapwa” sagot ni Eden.
“Salamat ha? Anong pangalan mo?” Tanong ng pulubi.
“Eden, ako si Eden” sagot nito
Mula noon ay hindi na muling nakita ni Eden ang pulubi. Sa isip niya ay natakot na itong pumunta sa kanilang lugar. Ngunit isang bagong mukha ang napansin niya na habol tingin ng mga kadalagahan.
“Ang cute niya, ano? Bago lang kaya siya rito?” Kinikilig na sambit ng isang niyang babaeng kapitbahay.
“Di ko alam, ngayon ko lang din nakita yang lalaking yan, eh. Napakaguwapo” wika naman ng kausap nito.
May bagong salta sa lugar nila, isang napaka-gwapo at napaka-kisig na binata na sa tingin ng mga kapitbahay niya ay turista na nagmula sa Maynila.
“Diyos ko, kung siya ang mapapangasawa ko`y ang saya-saya ko na” wika ng matandang dalaga niyang kapitbahay.
“Artistahin ang datingan, kaya lahat ng mga kababaihan dito sa atin ay nahuhulog na sa kanya” saad naman ng isa.
At pinagmasdan ni Eden ang bagong salta at hindi niya rin napigilan na humanga. Talagang napaka gandang lalaki nito. Matangkad, Matipuno ang pangangatawan may maputing kutis singkit na mata at may biloy sa pisngi.
“Totoo nga, literal na makalaglag pÃ¥nty ang lalaking iyon. `Di ko masisisi ang mga kababaihan dito na hindi mahulog sa kanya” isip isip ni Eden.
Nang dumaan ang binata sa kanyang kinatatayuan ay bigla siyang nagulat dahil nginitian siya nito.
“Aba. Nginitian ako ni pogi” Sabi niya na di napigilan pamulahan ng pisngi.
Maya-maya lamang ay nilapitan siya nito.
“Ikaw si Eden, di ba?” Tanong ng binata.
Mas ikinabigla ng dalaga ang tinuran nito.
“K-kilala mo ako?” balik ni Eden na tanong sa binata.
“Kilalang-kilala kita. Narito ako para makausap ka. May sasabihin ako sa iyo. Halika sumama ka sa akin.” pagyaya ng binata.
Kahit na halos mawalan ng malay sa sobrang kilig dahil kaharap niya ang isang guwapong lalaki ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan.
“Sandali, hindi porket gwapo ka ay basta na lamang ako sasama sa iyo. Ni hindi nga kita kilala , eh. Saka bakit mo ako kilala? Sino ka ba talaga?” naguguluhan na tanong nito.
Napa ngiti lamang ang binata. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito.
“Magtiwala ka sa akin. Wala akong binabalak na masama. Sumama ka sa akin at may ipapakita ako sa iyo”.
Kahit may pangamba ay sumama si Eden sa binata.
Dinala siya ng misteryosong dayo sa harap ng isang lumang simbahan na bihira nang puntahan ng mga kapitbahay nila.
“Bakit mo ako dinala dito? Sino ka ba talaga?”
Halos di siya makagalaw sa kinatatayuan niya nang biglang nagbago ang anyo ng gwapong binata.
“Diyos ko. Ikaw yung pulubi na pinagtutulungan ng mga kapitbahay namin? Paanong…
“Tama ka, ako at ang gwapong lalaki na kaharap mo kanina ay iisa. Nagtaka ka nang banggitin ko ang pangalan mo kanina? Dahil sa sinabi mo sa akin ang pangalan mo nang ako’y nasa anyo ng isang gusgusing pulubi. Labis kitang hinangaan sa iyong ginawa. Ang totoo ay naghahanap ako ng taong pagbibigyan ng aking kayaman at sa lugar na ito ako napadpad.”
“Nagpanggap akong pulubi dahil naniniwala ako na may mga tao pa rin na gagawa ng mabuti sa kapwa kahit hindi kaaya-aya ang aking hitsura.
At ikaw Eden ang nagiisang tumulong sa akin habang hinahamak at pinagtatawanan nila akong lahat. Ng nagpanggap naman akong gwapong lalaki ay puro papuri naman ang inani ko sa kanila. Sadyang mas tinitignan nila ang tao sa kagandahang panlabas.
Dahil sa iyong ipinakitang kabutihan ay tanggapin mo ang kahon na ito. Bibigyan kita ng mariwasang buhay. Gamitin mo sana iyan sa tama at mabuti” Hayag ng lalaki na biglang naglahao sa kanyang harapan.
Nang tignan ni Eden ang nasa loob ng kahon ay nanlaki ang kanyang mata. Naglalaman pa ito ng mga mamahaling alahas at ginto.
Agad niyang hinanap ang lalaki upang subukan isauli ang kahon ngunit hindi na ito muling nagpakita sa kanya. Gaya ng sabi nito sa kanya ginamit niya ito sa kabutihan.
Nagtayo siya ng mga negosyo na makakatulong sa kanyang mga kapwa na magkaroon ng hanapbuhay. Nagbigay rin siya ng tulong pinansyal sa mga eskwelahan at ospital sa kanilang lugar.
Agad niya rin ipinagawa ang lumang simbahan kung saan siya dinala ng mahiwagang lalaki na sa tingin niya ay hulog ng langit sa kanya.
Labis ang pasasalamat ni Eden sa naturang lalaki , samantala ipinagtataka naman ng mga tao sa kanilang lugar at ng kanyang pamilya kung saan nakuha ni Eden ang kayaman na ito. Sinabi na lamang niya na sinuwerte siyang manalo sa lotto dahil wala naman maniniwala kapag ikinuwento niya ang totoong nangyari.
Source: Inday Trending
0 Comments