Hindi mo talaga alam kung kailan darating ang swerte, maaaring ngayon, bukas o kaya naman ay sa mga susunod pang araw basta ang mahalaga ay huwag kang susuko sa buhay dahil may nakalaan satin ang panginoong Diyos.
Katulad na lamang ng isang mangingisda na si Jumrus Thaiachot, 55 anyos sa kanyang paglalakad sa dalampasigan ay nakakita siya ng isang bagay na galing sa balyena sa lugar ng Thailand, hindi akalain ni Jumrus na ito na pala ang kanyang hinihintay na biyaya.
Ayon sa mangingisda wala siyang kaalam alam kung ano ang kanyang nakuha, ito na pala ang susi para mabago ang kanyang buhay.
Hindi akalain ni Jumrus na ang kanyang natagpuan ay nagkakahalaga ng mahigit 26 milyon pesos!, Ang natagpuan ng naturang mangingisda ay suka ng balyena na tinatawag n “Ambergis”.
Ano nga ba ang Ambergis? ang ambergis ay isang mamahalin raw na bato na ginagamit umano sa paggawa ng mga pabango.
Sa katunayan nga raw ay isang brand ng mga perfumes katulad ng Chanel ang gumagamit nito para sa kanilang produkto, Nakakatulong daw itong patagalin ang mga pabango.
Ang Ambergis naman raw ay isang uri ng kalamnan ng balyena kung saan tinutunaw nito ang bawat kinakain nito.
Madalas raw matagpuan ang mga ambergis sa mga dalampasigan dahil dito raw isinusuka ng mga balyena.
0 Comments