Ang beauty queen at TV actress na si Winwyn Marquez ay kumpirmadong buntis na ngayon sa kanyang non-showbiz boyfriend. Samantala, ang kanya namang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez ay labis namang nagulat sa kanyang pagbubuntis.
Sa naging grand face-to-face mediacon ni Winwyn para sa kanyang pelikula na ‘Nelia’ na isa sa mga official entry ng 2021 Metro Manila Film Festival sa darating na December 25, 2021 kanyang ibinahagi ang kanyang pagdadalang-tao.
Pahayag ng aktres, “I am on my way to my second trimester,” aniya pa talagang itinago niya muna sa publiko ang kanyang pagbubuntis.
Dagdag pa niya, “Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna. Hindi ko rin naman in’expect na lalabas (itong movie) sa MMFF.”
“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online. Gusto ko rin talaga makapunta sa presscon and be with everyone kahit medyo nag-a-adjust pa ’yung body ko with everything,”
Ibinahagi rin ito ni Winwyn sa kanyang YouTube vlog, ngunit hindi pa handa ang aktres na ipakilala sa publiko ang ama ng kanyang magiging anak. Sa kanyang vlog, tanging kamay at katawan lamang ng kanyang non-showbiz boyfriend ang makikita sa video.
Ika pa ni Winwyn, “I know it’s been a while. Hindi ko alam kung napansin niyo but I took a break for sometime. Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin dun of course yung health reasons.”
“I really want to share din sa inyo kung ano yung nangyari sa akin so I made this video para i-explain what happened to me, and I just want to show it in a form of a clip para ma-explain na rin sa inyo,” saad pa niya.
Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay ibinahagi rin niya ang kanyang pagpapa-check-up sa doktor, pati na rin ang naging reaksiyon ng kanyang mga magulang na sina TV actress at actor na sina Alma Moreno at Joey Marquez ng malaman na siya ay buntis. Napaiyak na lamang sa sobrang kaligayahan sina Alma at Joey nang malamang buntis na ang kanilang anak. Hindi nila inakala ang pagbubuntis nito kaya naman labis talaga silang nagulat.
Kaya naman ng malaman ito nila Alma at Joey sobra ang kanilang naging kaligayahan para sa anak. Dahil alam nilang ito rin daw ang pagpapasaya sa kanilang anak. Sobrang nananabik naman si Winwyn na makita ang kanyang magiging anak.
The post Joey Marquez at Alma Moreno, nabigla at naiyak na lamang sa balitang buntis na pala ang kanilang anak na si Winwyn Marquez! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments