Looking For Anything Specific?

Isang OFW Nagulat Ng Madatnan Na Tapos Na Ang Kanilang Bahay, Iniipon Pala Ng Kanyang Asawa at Anak Ang Kanyang Ipinapadalang Pera

Hindi biro ang malayo sa pamilya para mangibang bansa at magtrabaho ng iniisip ay para sa pamilya na naiwan sa Pilipinas sapagkat lahat ng ginagawa nila ay para maitaguyod at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at kayang isakripisyo ito para sa kapakanan ng naiwan sa Pilipinas dahil worth it lahat ng pagod at lungkot ng mga OFW dahil kapalit naman nito’y kinabukasan nila.

Isang ina na OFW mula Kuwait na si Rodelyn Fortes ay marahil ang pagod at pawis nito ay napawi sa lahat ng taon-taong lumilipas dahil lahat ng pinapadalang pera nito ay binibigyan ng kaluguran at saysay ng kaniyang pamilya kung malaman nitong walang sayang ang pagpapadala ay lubos na kasiya-siya sa kaniya.

Ang mag-amang si Rogelio Fortes mula Agoo La Union ay binigyang saysay ang paghihirap ng kaniyang asawa at ang bawat perang pinapadala ay iniipon nito. Datapwa’t barya-barya lamang ang sinimulan ngunit sa tinagal-tagal ay mas nakakaipon na sila ng malaking pera na padala ng kaniyang asawa. Mahigit P300,000.00 ang kanilang naitabing pera at samakatuwid ay balde-baldeng mga papel na pera at maging ang barya.

 

” Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, talagang nagpursige akong mag-ipon, lahat ng kada padala ng misis ko. Imbes na bawasan ko, dinagdagan ko pa,” aniya ni Rogelio.

“Masaya po ako, dahil nakapag-ipon po ako,” pagpapatuloy ng bunsong anak ni Rodelyn. Ang hindi alam ni Rodelyn ay nagawa at natapos na ang kanilang tahanan kung kaya’t labis siyang nagulat dahil dito sa kaniyang nadatnan, bumalatay ang surpresa sa kaniyang mukha, datapwa’t may karagdagan pa dahil nakabili rin sila ng motorsiklo at sidecar dahil sa mga naitabing pera at naipon ng kaniyang asawa’t mga anak.

” Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang bahay sementado na. Tsaka di ko lubos maisip ba ganon yung maiipon nila kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait at Malaysia,” aniya nito.

Labis ang tuwa ng mag-asawa dahil habang sila’y lumalaki, lumalaki rin ang kanilang abilidad sa pag-iipon na kanilang itinuturo at ito naman ay nagagampanan ng kanilang mga anak.

” Magtipid po. Tsaka yung mga hindi na kailangang bilhin, di po bibilhin,” mensahe ng kanilang panganay na anak .

The post Isang OFW Nagulat Ng Madatnan Na Tapos Na Ang Kanilang Bahay, Iniipon Pala Ng Kanyang Asawa at Anak Ang Kanyang Ipinapadalang Pera appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments