Hindi napigilan ni Karla Estrada ang kanyang emosyon nang alalahanin ang mga paghihirap na dinanas ng kanyang pamilya noon.
Kahapon, December 12, naging guest si Karla sa digital talk show ni Toni Gonzaga na ‘Toni Talks’. Dito ay napag-usapan nila ang mga kinaharap na problema ng kanilang pamilya noon.
“Hindi naman magiging masarap yun kung ganun kadali yun eh so ginapang talaga. I was really tested, hindi lang yung sa panganganak, pati yun sa pang-araw-araw. San ka kukuha?” saad ni Karla.
Dahil dito ay naikwento din ng ina ni Daniel Padilla ang isang pagkakataon sa kanilang buhay. At ito nga ay nang maputulan sila ng kuryente.
Aniya, salitan sila ng kanyang panganay na anak sa pagpapaypay sa mga nakababata niyang anak. Nagising daw siya at pinalitan niya si Daniel sa pagpaypay ay narinig na lamang daw niya na umiiyak ito.
“Pagkatas niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi,” tumutulo ang luha na pagbabahagi ni Karla.
Tinanong naman ni Toni si Karla kung natanong ba ng aktres si Daniel kung bakit ito umiiyak ng mga panahon na iyon. Ngunit ayon kay Karla ay hanggang ngayon daw ay hindi niya alam ang dahilan ng pag-hikbi ni Daniel noon.
“Hanggang ngayon di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong yung anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa,” saad nito.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:
The post Karla Estrada emosyonal na inalala ang ginawa ni Daniel Padilla ng mga panahon na naputulan sila ng kuryente appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments