Looking For Anything Specific?

Kilalanin ang lalaking nagpapatibok ng puso at ama ng dinadala ngayon ni Angeline Quinto ayon sa mga netizens!

Sino nga ba ang nagpapatibok ng puso at ama ng ipinagbubuntis ni Angeline Quinto?

Ito ngayon ang tanong ng marami, matapos kumpirmahin ng Kapamilya singer actress. Na siya nga ngayon ay limang buwan ng buntis.

Sa panayam niya kay Boy Abunda, sinabi ni Angge na non-showbiz ang kanyang boyfriend. Mayroon na rin daw itong dalawang anak.

Kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung sino nga ba ang ama ng magiging anak ni Angge.

Sa mga nakalipas na ulat, napag alaman na Nonrev Pelayo Daquina umano ang pangalan ng lalaki, na 26-anyos daw.

 

Ayon pa sa dating ulat ng PEP.ph, may tatlong anak na babae na raw si Nonrev mula sa dalawa nitong dating kinakasama.

Dagdag pa ng kanilang source nagkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng isang common friend na may tindahan ng motorcycle parts.

Nagtatrabaho din daw ang lalaki sa casino at noong panahon na nagkakilala sila ni Angge ay may kasintahan din ito.

Kinilala ang dati nitong nobya na nagngangalang Elisha. At ayon nga dito naniniwala siyang na-ghost siya ni Nonrev nang dahil kay Angeline.

Sa pagkakaalam ni Elisha, nag-inuman sina Angeline at Nonrev. Kasama ang iba pa, sa isang gastropub noong July 22 nakaraang taon.

Ayon pa kay Elisha, nakatira si Nonrev sa tabing riles ng tren sa may Sampaloc sa Maynila.

Samantala, naka-private ang account ni Nonrev sa Instagram, pero makikita ritong pina-follow siya ni Angeline.

The post Kilalanin ang lalaking nagpapatibok ng puso at ama ng dinadala ngayon ni Angeline Quinto ayon sa mga netizens! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments