Looking For Anything Specific?

Kilalanin Isang Sikat Na Singer Buntis Di Umano Sa Kanyang Kababatang Sa Casino Nagtatrabaho

Buntis nga ba si Angeline Quinto? Ito ang tanong na bumabagabag ngayon sa mga fans ng Kapamilya singer. Kamakailan lang, kumalat ang bali-balita sa social media na di umano’y nagdadalang-tao si Angeline. Ayon sa mga showbiz insiders, ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline ay ang current non-showbiz boyfriend nito.

Matatandaang sa kanyang nagdaang interview, inamin ni Angeline na mayroong lalaki na nagpapatibok sa puso niya ngayon. Mukhang inspired din ang singer, lalo pa’t mag-iisang taon na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi naman pinangalanan ni Angeline ang kanyang mystery boyfriend.

Kamakailan lang, tampok ang singer sa programang “Take It Per Minute” ni Cristy Fermin. Ayon kay Fermin, may nakarating sa kanyang balita na di umano’y buntis si Angeline, at tatlong buwan na itong nagdadalang-tao. Naghihintay lang din daw ng tamang tyempo ang singer upang magsalita.

“Ako ang alam ko nagdadalantao talaga siya, three to four months. Ang kwento ng aking source, na hindi nanununog at nangunguryente. Isang balasador ng baraha, sa isang casino. Isang casino dealer. Kababata pala niya ito sa Sampaloc.

Ngunit kahit pa totoo nga ang tsismis na nagdadalang-tao ang singer, hindi pa rin ito nakaligtas sa mapanghusgang dila ni Lolit Solis. Komento niya, mabuting may pumatol pa sa singer dahil hindi naman daw ito kagandahan, bagay na hindi naman sinang-ayunan ni Mr. Fu.

“Tsaka mabuti na no, at leasy may pumatol sa kanya,” pahayag ni Lolit Solis. Agad namang sumagot si Mr. Fu na bukod sa maganda si Angeline ay mayroon pa itong mabuting kalooban: “Maganda si Angeline, maganda ang boses at mabait,” dagdag pa nito.

The post Kilalanin Isang Sikat Na Singer Buntis Di Umano Sa Kanyang Kababatang Sa Casino Nagtatrabaho appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments