Looking For Anything Specific?

Lucy Torres-Gomez, Napahanga Ang Marami Dahil Sa Tila Hindi Kumukupas Na Kagandahang Taglay Nito

Bagama’t mayroon tayong iba-ibang kahulugan pagdating sa kagandahan, mayroon ding mga klase ng kagandahan ang tinataglay ang bawat isa sa atin na siyang nangingibabaw at kapansin-pansin.

Isa na marahil sa mga hinahangaan at iniidolo ng marami sa atin ang mga aktres at aktor na madalas nating mapanood sa telebisyon. Dahil sa kanilang trabaho, kailangan nilang alagaan ang kanilang kalusugan, katawan, at ang kanilang mukha dahil ito din ang puhunan nila sa industriya na kanilang kinabibilangan.

Gayunpaman, ang kagandahan nating taglay at ang pisikal na histura na hinangaan ng marami ay lumipas din kaya naman marami ding mga personalidad ang nawala sa ningning ng kanilang karera.

 

Ngunit tila mayroon talagang mga taong nabiyayaan ng mala-Diyosang kagandahan. Minsan nga ay tinatawag natin silang mga “bampira” dahil tila hindi tumatanda ang kanilang hitsura at nananatili ang kanilang batang mukha.

Kahit ilang dekada na ang lumipas ay talagang kapansin-pansin pa din ang kanilang kagandahang taglay. Katulad na lamang ng aktres at pulitiko na si Lucy Torres-Gomez. Sa edad na 46, kapansin-pansin pa din ang kaniyang batang hitsura na tila ba ay hindi talaga siya tumatanda.

 

Kamakailan lamang ay naging agaw-pansin sa social media ang naging bakasyon nilang mag-asawa sa isang beach.

Bukod sa pambihirang kagandahang taglay ni Lucy, marami ding nakapansin na kahit lumipas na ang ilang taon ay napaka-sweet pa din nilang mag-asawa at talagang nag-eenjoy sila sa kanilang bakasyon.

 

Taong 1998 pa nang ikasal sila ni Richard Gomez ngunit kagaya ng kagandahang taglay ng aktres, napakaganda at nagniningning pa din ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sila ay nabiyayaan din ng isang anak, ang 20-anyos na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.

Kagaya ng kaniyang mga magulang, kapansin-pandin din ang talento at kagandahang taglay ni Juliana na pasok sa industriya na kinabibilangan ng kaniyang mga magulang noon.

The post Lucy Torres-Gomez, Napahanga Ang Marami Dahil Sa Tila Hindi Kumukupas Na Kagandahang Taglay Nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments