Looking For Anything Specific?

Andrea Torres, Ipinagmamalaki ang Bunsong Kapatid Bilang Lucky Charm ng Buhay Niya

Si Andrea Torres ay kilalang aktres sa GMA Network dahil sa kanyang pagganap sa mga teleserye. Bukod sa galing sa pag-arte ay napakaganda at sexy pa nito kaya’t hindi talaga maiiwasan na siya ay maging kapansin-pansin.

Makikita rin na masayahing tao si Andrea ngunit ang hindi alam ng madla ay marami rin pala siyang pagsubok at responsibilidad na kinaharap sa buhay. Gayunpaman ay nalagpasan niya ang lahat ng ito dahil sa kanyang lucky charm.

Caption: Instagram / andreaetorres

Pangalawa sa bunso si Andrea sa limang magkakapatid. Ang kanilang pinakabunso ay ang kapatid niyang si Kenneth na may special needs. Hindi lang ito basta simpleng kapatid sa kanya kundi itinuturing niyang pinaka-espesyal na tao sa kanyang buhay.

Dahil si Kenneth ang kasunod niyang kapatid ay ito rin ang pinaka-close niya, bukod pa dyan ay hiniling niya daw talaga sa kanyang mga magulang na magkaroon sila ng bunso pa kesa sa kanya dahil gusto niya umanong may tumawag sa kanyang ate. Hindi naman siya binigo ng kanyang magulang dahil nabiyayaan nga sila ng bunsong lalaki.

Credit: Instagram / andreaetorres

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay ipinanganak itong may special needs at hindi katulad ng ibang normal na bata. Kailangan ni Kenneth ng lubos na gabay at pag-aalaga dahil kondisyon nito. Mahirap man ngunit kahit kailan daw ay hindi sila nawalan ng pasensya ng kanyang pamilya sa pag-aalaga sa kanilang bunso. At ipinagpapasalamat pa nga nila dahil ito raw ang dahilan kung bakit mas naging malapit silang pamilya.

“Nung bata pa lamang kami, ang dami namin questions, parang bakit hindi siya nakakasalita? Bakit hindi siya nakakaupo? Ba’t ang lambot-lambot? So, na-inform na agad kami ng mga kailangan niya, kung paano siya alagaan.” saad ng aktres.

Credit: Instagram / andreaetorres

Bilang ate ni Kenneth ay mas minahal niya raw ito at inalagaan. Dahil kay Kenneth ay naging mas mabuti daw siyang kapatid at lumawak pa ang kanyang kaalaman at pag-intindi. Naging mapagpasalamat rin umano siya sa mga bagay na dumadating sa kanyang buhay at kahit ang maliliit na bagay na kanyang nararanasan.

“Siguro yung pinaka-impact is naging responsible kami kaaga tapos yung little things ma-appreciate mo kasi nakikita mo yung little brother mo, hindi niya yun na-e-experience. Kunwari hindi siya nakakasalita, hindi siya nakakapag-laro ng normal talaga yung siya lang mismo.”

Credit: Instagram / andreaetorres

Si Kenneth daw ang naging daan upang mas maging mabuting tao ang kanilang pamilya na kahit ang simpleng pagkain ay ipinagpapasalamat nila dahil ang kanilang bunso ay hirap itong gawin.

“Hindi siya nakakakain ng solid food, yung mga ganun. So mas naging positive kami, mas naging grateful tapos syempre mas close yung family kasi nagtutulungan for him.”

Ngunit ang pinakamasakit at pinakmahirap daw sa kanilang pamilya ay sa tuwing nagkakasakit si Kenneth dahil hindi daw nila ito agad nalalaman. Dahil hindi nga makapagsalita ay hindi nito nasasabi kung may masakit dito o kung masama ang pakiramdam nito.

Credit: Instagram / andreaetorres

“Never naman kaming nag-give-up sa kanya pero ang pinaka-lowest point ay yung hindi niya nasasabi pag may masakit. So pag tinatamad siyang lumakad, akala namin usual na tinatamad lang siya lumakad yun pala nagkaka-multiple organ failure na siya, so ayun yung lowest.”

Pero hindi daw sumuko ang pamilya ni Andrea at nanalig sila sa Panginoong Diyos para sa kanilang bunso. Hindi daw nila kayang mawala ito kaya’t ginagawa nila ang lahat upang mabigay ang lahat ng pangangailangan nito at lahat ng atensyon na kailangan. At sa awa naman ng Diyos ay gumaling si Kenneth at naka-recover daw agad na lubos nilang pinagpapasalamat.

Credit: Instagram / andreaetorres

Madaming humanga sa pagiging mabuti at mapagmahal na ate ni Andrea sa kanyang kapatid at itinuturing na lucky charm. Hindi niya ikinahiya na mayroon siyang kapatid na may special need dahil hindi naman daw ito kahihiyan sa kanya at sa kanyang pamilya kundi proud pa nga sila dahil napalaki nila ito ng maayos. Bukod pa diyan ay mahal na mahal nila ito at ito ang nagsisilbing anghel at lucky charm nila.

Gusto ring maging inspirasyon ni Andrea sa lahat ng netizens na ang taong may special need ay hindi dapat pagtawanan o pabayaan kundi dapat mahalin at alagaan. Masaya si Andrea na ipagmalaki sa lahat ang bunsong kapatid na si Kenneth dahil nagsilbi itong inspirasyon at motibasyon nya upang maging mabuting tao at pagbutihan ang kanyang pagiging aktres.

The post Andrea Torres, Ipinagmamalaki ang Bunsong Kapatid Bilang Lucky Charm ng Buhay Niya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments