Looking For Anything Specific?

Cesar Montano, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kaniyang Napakagandang Girlfriend At Kanilang Anak

Ang pagdiriwang ng aktor na si Cesar Montano ng kaniyang ika-59 kaarawan nitong Linggo, August 1, ay maituturing niyang isa sa pinakamahalaga at espesyal dahil sa online show na kaniyang ginawa kung saan lahat ng kinita niya doon ay ibibigay niya sa ating mga kababayan na nabiktima ng matinding pagbaha.

Bukod pa diyan, isa pa sa mga highlight ng birthday party ni Cesar ay ang pagsali ng kaniyang domestic partner na si Maria Socorro “Kath” Angeles.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ng mga viewers ng nasabing online show ang award-winning aktor na buhat ang anak nila ni Kath.

 

 

Nagkaroon din ng maiksing sweet momentum sina Cesar at Kath dahil sa paghalik ni Cesar sa pisngi ni Kath nang kumanta na ng birthday song ang kaniyang mga bisita.

Masaya at nagagalak naman ang mga fans at followers ni Cesar dahil nasaksihan nila kung gaano kasaya si Cesar at ang kaniyang non-showbiz partner na si Kath sa isa’t isa. Bakas din sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na nadarama para sa isa’t isa.

 

 

Ang online jamming for a cause ni Cesar ay pinamagatan na “Umawit at Tumulong with Kuya Buboy” na nagsimula bandang 4 ng hapon at tumagal ng halos limang oras.

Nag-post si Cesar ng GCash number sa kaniyang Facebook page para sa mga taong nais mag-donate habang kumakanta siya at ang kaniyang mga kaibigan.

Ilan lamang sa mga kaibigan ni Cesar na sumali sa online jamming session aay ang American singer na si Keith Martin na kumanta ng “Because of You”, Alvin Anson, at dating Boyfriends member na si Joey Obanda.

 

 

Si President Rodrigo Duterte at Robin Padilla ay isa lamang sa mga bumati ng happy birthday kay Cesar sa pamamagitan ng kanilang videotaped messages.

Samantala, bumuhos din ang pagbati ng maligayang kaarawan kay Cesar mula sa online community.

The post Cesar Montano, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kaniyang Napakagandang Girlfriend At Kanilang Anak appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments