Looking For Anything Specific?

Dahil sa pagtitinda ng “Ice Candy” isang Ginang umabot ng P160,500 ang kinita sa loob ng isang taong pag-iipon


Likas na nga sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag at madiskarte kaya nga may kasabihan tayo na “Kapag may tiyaga, may Nilaga” yan ang palagi mong maririnig na kasabihan sa matatanda. Ito naman ay totoo siyempre kung tayo ay magpupursige at magsisipag sa trabaho o dumiskarte ang buhay natin ay uunlad.

Katulad ng kwento ng isang ginang na mula pa sa Marinduque na nakapag-ipon ng halos P160,500 sa loob lamang ito ng isang taon sa pagtitinda niya ng mga Ice candy.

Ang post ng ginang na si Riz Red Moreno ay nagviral at naging usap-usapan sa social media ito ay matapos siyang makaipon ng libo-lipo sa kanyang pagtitinda ng ice candy.

Kwento ni Riz Moreno, sa kanyang pagbabantay daw sa kanilang tindahan ay araw-araw siyang gumagawa ng mga Ice candy. Halos dalawang kaserola umano ang kanyang nagagawa at nauubos maghapon, ang kanyang ice candy na tinda ay may dalawang flavor ito ay mangga at isang buko.

Pahayag ni Moreno, sa bawat isang kaserola ay nakakagawa siya ng 165 pieces na ice candy at ito ay kanyang ibinebenta sa halagang (5) limang piso bawat piraso.

Sa isang kaserola na kanyang nagagawa umaabot ng 400 ang kanyang tubo bali lumalabas na ang kanyang kita sa loob ng isang araw sa dalawang kaserolang ice candy ay 800 pesos.

Dagdag pa ni Moreno upang masigurado daw na agad siyang nakakapag tabi ng ipon ay hinuhulog niya agad ang 500 sa kanyang kinita sa alkansya at ang 300 pesos naman ay itinatabi para ipambayad sa kuryente.

Sa post din ni Moreno makikita dito na kanyang hinihikayat ang ibang nanay na gawin rin ang kanyang pag-iipon at diskarte, Basahin ng mabuti!

“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nag babantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa loob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.

Tunay nga na nakakabilib ang naging diskarte ni Moreno dahil kahit nasa bahay lang siya ay nakapag-ipon siya ng malaking halaga. Kaya naman totoo na walang imposible sa isang taong matiyaga. Lahat ay magagawa basta mayroon kang dedikasyon at disiplina sayong sarili.

Post a Comment

0 Comments