Looking For Anything Specific?

Estudyanteng ginawang pambayad sa pamasahe ang itinitindang basahan, umantig sa publiko


Marami ang mga satin ang mga estudyante na nagtatrabaho habang nag-aaral dahil sa kakapusan sa buhay minsan pa nga ay pumapasok sila ng walang baon o nagtitipid. Ang iba pa nga halos gawing umaga ang gabi para lamang may maipang tustos sa kanilang pag-aaral.

Kaya naman nakakalungkot isipin na marami ang mga kabataan ngayon na hindi pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral suwerte na nga sila dahil nakakapag-aral sila ng walang pino-problema sa gastusin. Hindi katulad ng iba na halos gawin lahat para lamang makapag-aral.

Tulad na lang ng isang pangyayari na ibinahagi ng netizen na si Jade De Luna. Minsan ay may nakasabay daw siyang isang estudyante sa jeep na kanyang nasakyan na may dala-dalang basahan.

Naantig daw ang damdamin ni Jade ng marinig niya ang sinabi ng estudyante sa driver na nakikiusap kung maari lang daw ay basahan na lamang ang kanyang pambayad sa pamasahe dahil wala raw itong pera.

Isang lalaking pasahero naman ang nakarinig ng usapan ng estudyante at driver kaya naman nagprisinta itong bayaran na ang pamasahe ng estudyante ngunit hindi narin naman tinanggap ng driver ang bayad.

Ilan din sa mga pasahero ang kumausap sa estudyante at bumili ng tinda nitong basahan.

Narito naman ang kabuuang post ng ating Netizen.

“Share ko lang po yung karanasan ko kanina. So, kanina late na po ako and traffic pa.
At nung nasa bandang LA FORTEZA na po kami, biglang may isang studyante babae na may dala’dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensiyon..”

SIYA: Manong! Magkano po yung pamasahe hanggang libis po? (Mahinang pagkakasabi)

DRIVER: Otso (8 pesos)

SIYA: pwede po bang basahan na lang?

DRIVER: * tumango *

MANONG: ay sige ako na * sabay kuha ng pera sa bulsa*

SIYA: ay, salamat po!

DRIVER: ay sige wag na..

SIYA: salamat po!!

MANONG: magkano ba yang basahan?

SIYA: sampo lang po.

MANONG: *binigyan siya ng bente pesos*

SIYA: wala po akong panukli

MANONG: sige iha, sayo na yan wag mo na suklian

SIYA: salamat po!

BABAE: magkano yan ineng?

SIYA: sampo po.

BABAE: oh! Ito *binigay ang bente* sayo na yan.

~ Pagkatapos ay kinausap po siya ni manang na katabi niya po. Sabi niya nag- aaral daw po siya saTala High. at ang kaniyang mga magulang ay nag titinda lang din po ng basahan.

So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po na di siya huminto sa pag aaral kundi pinag sasabay niya ang pag aaral habang nag titinda ng basahan. Eh yung iba nga saatin ay pa chill chill lang at sagana pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahain natin si ate gurl and sana maging insirasyon siya sating mga studyante. Hindi ko pinost ito para sa LIKES.

Pinost ko ito para naman maging isang inpirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para nadin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school.

So, Hello ate gurl ingat ka parati kung sino ka man po. Pagpatuloy mo lang yan, aral ka pong mabuti ikaw din aani ng pag sisikap mo para sa future. GOD BLESS!!”

Kaya naman sana ay maging aral ito sa iba na nakakapag-aral na walang iniintinding gastuhin wag niyo sayangin ang panahon na kayo ay nakakapag-aral dahil hindi lahat ay nabiyayaan o nabigyan ng pagkakataon na mag-aral.

Post a Comment

0 Comments