Masasabi na ang pinakamagandang investment na ating magagawa para sa ating sarili at pamilya ay ang makapagpundar ng sariling bahay at lupa.
Hindi na lingid sa atin na ang presyo ng mga bahay at lupa ngayon ay patuloy na tumataas kaya naman para sa iba ay napakahirap na makapagpundar nito lalo na dito sa ating bansa ay napakaliit ng pasahod.
Subalit ang pagpapagawa ng sariling bahay ay hindi madali dahil bukod sa bayad ng mga manggagawa ay tumataas na din at nagmamahal ang mga presyo ng materyales lalo na ngayon na nagkaroon ng pandémya.
Samantala, may ilang mga programa na nagbibigay ng paraan para magkaroon ng sariling bahay ito ay ang mga hulugan ng mga real estate company subalit maraming taon din ang kailangan gugulin bago ito maging sayo ang iyong pinapangarap na bahay at lupa.
Kadalasan kasi sa mga hulugan ng mga real estate company ay umaabot ng 15, 20 o hanggang 25 na taon bago maging iyo ang bahay at lupa.
Samantala, sa isang kwento na ito ay tiyak na mabibigyan ang bawat isa ng inspirasyon lalo na sa mga magkakapamilya. Para kasi sa siyam na magkakapatid na ito hindi naging imposible sa kanila na tuparin ang pangarap ng kanilang mga magulang.
Sa post sa isang Facebook group na Home Buddies, may netizen na nagngangalang Sar Calva na nagbahagi ng ilang larawan ng munting kubo nila noon kung saan silang siyam na magkakapatid ay nagkasya kasama ang kanilang magulang. Pinangarap daw nilang magkaroon ng sariling bahay at kanilang maituturing na dream house.
Hindi naging hadlang ang kahirapan upang hindi sila magtapos ng pag-aaral. Talagang nagpursige ang kanilang mga magulang na sila ay mapagtapos ng pag-aaral.
At dahil mula nga silang lahat sa kahirapan ay talagang nagsumikap silang matapos ang edukasyon na nais ng kanilang mga magulang para sa kanila. Hindi nagtagal ay nakapagpundar din sila ng kanilang mga sariling tahanan at pinagsumikapan din nilang ipagawa ng sariling tahanan ang kanilang mga magulang.
Ayon pa sa mga magkakapatid . hindi man nasaksihan ng kanilang mga magulang na makumpleto ang kanilang dream house ay tiyak na masayang-masaya parin sa langit na sa wakas ay natupad na ang matagal nilang pinapangarap.
Ang kanilang pamilya ay mayroon ng tatlong palag na bahay kung saan mayroon pa silang napakagandang roof deck.
Patunay ang magkakapatid na walang imposible sa ating mga pangarap lalo na sa mga taong nagmamahalan at nagtutulungan para maabot ang bawat pangarap.
0 Comments