Dahil sa pandémya na nararanasan ng buong mundo maging sa ating bansa ay naging mahigpit ang gobyerno at naging limitado ang ginagalawan ng mga tao para makaiwas sa pagkahawa ng vîrüs na kumakalat.
Dahil sa pangyayaring ito marami ang nawalan ng trabaho at kumpanya na nagsara dahil sa pagkalugi. Kaya naman ang iba ay pumasok bilang rider na kung saan sila ang mag-dedeliver ng mga kakailanganin ng mga tao.
Madali na ring bumili ngayon dahil imbis na lumabas ng bahay at nagtungo mall ay maaari nang magpa-deliver sa pamamagitan ng mga online applications. Ngunit, ang pagiging isang rider ay hindi madali dahil kinakailangan nilang suungin ang malakas na ulan o mainit na panahon.
Maging ang kanilang buhay ay delikado sa kalsada dahil madalas ay marami dito ang nadidigråsya. Ang pangånib na dulot ng kumakalat na v1rus ay nakakapangambå rin sa kanila.
Kaya naman dapat lang ay pahalagahan din natin ang ating mga rider dahil sa kanilang pagpupursige sa kanilang trabaho para lamang tayo ay maihatid ang ating pangangailangan.
Ngunit may ilang customers naman ang hindi marunong rumespeto sa mga riders.
Katulad na lamang ng isang lalaki na ito na walang aw@ng sinåktan ang Grab Food Rider. Wala umanong panukli ang rider sa Php 1,000 na binabayad ng customer.
Kuhang-kuha ng video ang ginagawa ng naturang lalaki sa Grab rider, dahil sa pangyayari ay nagalit ang mga netizen dapat raw ay panagutin ang naturang lalaki dahil sa ginawang pananakit nito sa delivery rider.
Dahil sa pagiging viral ng video nakaabot sa pamunuan ng Grab ang nangyari sa kanilang tauhan, nagbigay ito ng pahayag na pananagutin nila ang may kasalanan sa nangyari at hindi nila hahayaan na ang kanilang mga tauhan ay maagrabyado.
“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” ayon sa pamunuan ng Grab.
0 Comments