Sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Pat4y, hindi nawawalan ang ilang artista ng mga kwentong kababalaghan at personal na karanasan nila tungkol sa multo. May mga kapani-paniwala pero may mga kwentong kutsero o gawa-gawa lamang ng kanilang mga malikhaing pag-iisip.
Si Mark Anthony Fernandez ay isa sa mga artistang may kwento na akma sa Holloween.
Hindi ito nakakatakot ngunit tunay na nangyari ito nang manirahan siya sa museleo ng kinilalagakan ng labi ng kaniyang yuma0ng ama, ang action superstar na si Rudy Fernandez na pum4naw noong June 7, 2008.
Naranasan ni Mark na maglagi at matulog sa Heritage Park sa Taguig City nang makaranas siya noon ng d3presyon at ipinagbili niya ang kaniyang condominium unit sa San Juan City.
Sa panayam sa kaniya ng sikat na entertainment column, ibinahagi ni Mark ang naging karanasan niya sa ilang araw na pamamalagi sa libingan ng kaniyang ama.
Ani Mark,
“Tumira ako ng 3 days sa libingan ng papa ko noong 2015. Hindi ko lang kinaya sa tuwing gumagamit ako ng comfort room, medyo hindi ako komportable pero other than that, ‘yung pagtulog ko okay naman. Walang halong haunted o hindi ako natakot ng matulog ako doon. Inisip ko bakit ako matatakot, eh close kami ng papa ko.
“Pero noong sumakab1lang buhay siya, narinig ko ang boses niya sa left ear ko. Ang learning ko sa pagtira ko sa libingan niya, syempre, mas maganda ang buhay kung nandiyan o buhay pa ang papa ko.”
Kwento pa ni Mark, wala na siyang balak ulitin ang kaniyang ginawang paninirahan noon sa Memorial Park.
Saad ni Mark,
“Hindi ko na gagawin ‘yon, Dahil nung time na ‘yun, naghahanap ako ng Sanctuary na solemn para sa akin at tingin ko nahanap ko na ‘yung spot ko sa Earth. Meron na akong spot dito sa Earth.”
Alam ng mga bumibisita sa puntod ng ama ni Mark na pwedeng manirahan dito dahil sa disenyo ng museleo na may sariling comfort room at pahingahan.
Hindi si Mark ang unang artista na umaming nasubukan ng manirahan sa libingan ng yuma0.
The post Isang Artista, Tumira Pala Sa Sementeryo Matapos Dumaan Sa Matinding Pagsubok appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments