Looking For Anything Specific?

Isang mister ang napaluha matapos makita ang ginagawa ng kanyang misis sa CCTV habang siya ay nasa trabaho


Ang ilan sa atin ay minamaliit ang mga babaeng Nanay na walang trabaho at isang “House Wife” dahil mas ginagalang nila ang mga nanay na nagtatrabaho sa opisina o mga kompanya.

Hindi alam ng iba na ang isang ina o ang trabaho nito na pagiging “House wife” ay ang pinakamahirap na trabaho dahil ito ay walang day-off, walang pahinga at walang sahod. Hindi tulad ng ilang mga Tatay diyan na pagdating sa bahay ay pahinga na lamang. Ang isang Ina ay bawat araw ay may nakaatas na gawain at pagsikat palang ng araw ay hindi na mauubos ang kanyang trabaho na dapat gampanan.

Kaya naman nakakalungkot isipin na ang iniisip ng iba na ang ginagawang sakripisyo at trabaho ng mga Ina ng tahanan ay madali lamang at hindi nabibigyan ng pansin. Karamihan kasi sa mga tao ay inaakala na ang pagiging stay-at-home parent ay parelax-relax lang.

Hanggang sa may isang Mister na nagbahagi ng kanyang kwento kugn saan napagtanto niya kung gaano kahirap ang pagiging stay-at-home parent. Dito niya rin nakita kung gaano ang hirap at sakripisyo ng kanyang may bahay upang asikasuhin ang buong bahay at alagaan ang kanilang anak.

Ang Mister na ito ay nag post sa social media ng mga screenshot ng kanyang asawa at anak na kuha sa kanilang CCTV sa bahay. Ayon sa kanya gusto nya laging pinapanood ang mga ginagawa ng kanyang mag-ina sa kanilang bahay.

Dito nya nalaman at nakita na minsan lang magpahinga ang kanyang asawa dahil wala itong tigil sa pag-lilinis at pag-aalaga sa kanilang anak at mga gawaing bahay.

Pumasok din sa kanyang isip na kahit sobrang pagod ang kanyang asawa ay hindi ito nagrereklamo. Naglagay naman siya ng matamis na mensahe at pasasalamat kasama ng mga larawan ng kanyang asawa sa social media.

“Lubos na Lubos ang pasasalamat ko sa aking asawa, hindi ko alam paano nya ginagawa ang mga ito araw-araw. Pero salamat sayo at salamat sa pag-aalaga sa ating anak”.

Nagbigay naman siya ng mensahe at paalala para sa mga katulad niyang may-asawa at anak na huwag isipin na madali ang mga ginagawa ng kanilang mga asawa sa araw-araw na ito ay nasa bahay.

“Sa mga tao na pumupunta sa trabaho at umuuwi na nag rereklamo na sila ay pagod na pagod araw-araw huwag nyong isipin na ang inyong mga asawa ay hindi nag din nag tatrabaho, dahil sa katunayan mas mahirap ang kanilang ginagawa ara-araw. Sana ay mabigyang pansin din ito ng ibang mga mister at bigyang halaga ang trabaho ng kanilang mga asawa. Minsan ay bigyan din sila ng bonggang treat bilang pagpupugay.”

Post a Comment

0 Comments