Matapos ang inilabas na kumpirmasyon at kalagayan ng kanyang kalusugan, maraming suporta ang natanggap ni Kris Aquino.
Sa isang Instagram post, nagsalita si Kris kaugnay sa mga kumakalat na spekulasyon tungkol sa relasyon nila ng dating fiancé.

Ani Kris, ayaw na sana niyang pag-usapan ang isyu kaugnay sa kanilang hiwalayan. Ngunit kinakailangan umano niya itong gawin para makamit ang hinahanap niyang katahimikan.

Bagama’t hindi diretsahang sinabi na tinuldukan na nila ni Mel ang kanilang relasyon. Makikita sa text message na ipinadala ng dating DILG Secretary. Na tinatanggap umano niya ang pahayag ni Kris na pakawalan siya.

Bahagi din ng post ni Kris ay ang tungkol sa kanyang kalusugan. Kung saan kinakailangan na naman niyang lumipad sa ibang bansa. Upang dumaan sa iba’t-ibang pagsusuri matapos muling bumagsak ang kanyang timbang.

Kalakip din ng nasabing post ang mga larawan ni Kris na makikitang ang laki nga ng kanyang pinayat. Ngayon nga ay 40 kilos na lang ang kanyang timbang.
Tanggap na umano ni Kris na walang lunas sa kanyang kundisyon. Kaya naman bumuhos ang panalangin at suporta mula sa mga kaibigan niya sa Industriya.
“Prayers for you mare,” komento ni Ogie Alcasid.
“Pagaling ka po, Ms Kris” saad naman ni Neri Miranda.
“I love you always Krisy, and lagi kang nasa dasal ko,” ani Darla.
Ilan pa sa mga nagpakita ng kanilang suporta para kay Kris ay sina Melai Cantiveros. Vina Morales, Derek Ramsay, Dimples Romana, Miles Ocampo at marami pang iba.
The post Kris Aquino, umani ng suporta mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments