Sabi nga nila, iba talaga kapag umaayon sa iyo ang tadhana. Hindi maitatangging sa pera umiikot ang buhay ng isang tao dahil ito ay pangunahing pangangailangan upang makabili tayo ng mga bagay na kakailanganin din natin kinalaunan.
Para sa iba, ang pagiging praktikal ay isang matalinong paraan upang makatipid sa gastusin. Hindi na alintana kung ito ay luma o bago basta ang mahalaga ay ang kalidad nito. sa panahon ngayon, lumalago na ang ekonomiya at mahirap na ding makasabay sa agos ng buhay
Mabuti na lamang at nauso ang mga pagbebenta ng “second hand” mapa-gamit, damit o sasakyan pa iyan. Hanggat mapapakinabangan ay puwede pang pagkakitaan.
Ngunit sino ang mag aakala na ang lalaki na ito na imbis na malugi sa kaniyang biniling second hand na kotse ay isang swerte. Naibalik lang naman sa kaniya ng doble o triple pa sa kaniyang binayarang halaga.
Kwento nito, nasira raw ang power window isang araw matapos mabili ang kotse. Kaya naman inisip niyang siya ay nalugi. Bago niya ito dalhin sa mekaniko ay nag desisyon siyang kalikutin muna ang kotse.
Paunti- unti ay kinalas niya ang pinto nito at nakakapagtakang may isang itim na plastic ang nakaipit na naging dahilan kung bakit ayaw gumana ng power window.
Binuksan niya ito at nakita ang mga hugis parihaba na gumulat sa kaniya. Bumungad sa kaniya ang nilalaman nito na limpak limpak na pera na kung saan galing pa sa iba’t ibang bansa kada bundle.
Wala namang nabanggit kung magkano ang kabuuang halaga ng pera para na din sa kaligtasan ng maswerteng nakakuha. Ang sasakyan ay kinumpiska ng pulisya at hindi na pinangalanan ang lalaki.
0 Comments