Looking For Anything Specific?

Nakakamangha Ang Isang Pinay-American Pilot Na Walang Mga Kamay Dahil Nagawa Niyang Magpalipad Ng Isang Eroplano Na Gamit Ang Kanyang Mga Paa Lamang

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap hindi nagiging hadlang kung anuman ang estado mo sa buhay. Hindi nagiging batayan ang kakulangan upang makamit ang tagumpay. Kagaya na lamang ng mga taong may kapansanan na nagagawang mamuhay ng normal sa kabila ng kanilang kakulangan. Pinatunayan ito ng isang Pinay-American na piloto na hindi hadlang kanyang kapansanan upang makamit niya ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Paano kaya nagagawa ng babaeng ito na maging kamay ang kanyang mga paa sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Tunghayan natin ang kanyang kwento.

Source: Google

Si Jessica Cox ay isang babaeng Pinay-American na walang braso mula nang siya ay ipanganak. Ngunit, hindi ito naging hadlang mula sa paggawa ng mga bagay sa kanyang buhay. Hindi rin ito naging dahilan upang hindi niya matapos ang kanyang pag-aaral. Ang ama ni Jessica ay isang retiradong guro ng banda habang ang yumaong ina ay isang nurse. Siya ang pangalawang panganay sa kanyang dalawa pang ibang mga kapatid. Si Jessica lamang sa kanilang pamilya ang ipinanganak na walang braso.

Source : Google

Ayon kay Jessica, bata palang daw siya ay natutunan na niya ang taekwondo at maging isang black belter pagkalipas ng apat na taon. Sa edad na 17 taong gulang, nakakuha na siya ng lisensya sa pagmamaneho at natutunan kung paano kontrolin ang manibela gamit ang kanyang mga paa lamang. Noong siya ay 22 taong gulang, kumuha siya ng pagsasanay sa pagpapalipad at nakatanggap siya ng isang lisensya pagiging pilot pagkalipas ng tatlong taon.

Kinilala si Jessica ng Guinness World Record bilang unang pilotong babae na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang kanyang mga paa. Bukod sa paggawa ng mga pambihirang bagay, mahusay din siya sa mga outdoor activities tulad ng surfing, scuba diving, at horseback riding.

Source: Google

Nakakamangha na sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagagawa rin niyang mapangalagaan ang kanyang sarili. Dahil nagawa niya ang mga pang-araw-araw na mga gawain tulad ng pag-aayos ng pagsisipilyo, pagmamake-up, pag-aayos ng buhok, paglalagay ng mga contact lens, pagtali ng kanyang mga sapatos, at kahit na pagta-type gamit ang kanyang mga daliri. May talento pa siya sa pagtugtog ng piano.

Noong siya ay bata pa, madalas daw magtanong si Jessica sa kanyang ina, kung bakit siya ginawa ng Diyos sa ganitong paraan. Ang sagot naman daw ng kanyang ina, na ang Diyos ay may higit na plano para sa kanya. Aminado si Jessica na kung wala ang kanyang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya ay hindi siya magiging matagumpay na tao ngayon.

Source: Google

Tunay ngang walang impossible sa taong determinadong maabot ang kanyang pangarap. Nawa’y maging isang inspirasyon si Jessica sa lahat ng taong may kapansanan na pilit inaabot ang kanilang mga pangarap.

The post Nakakamangha Ang Isang Pinay-American Pilot Na Walang Mga Kamay Dahil Nagawa Niyang Magpalipad Ng Isang Eroplano Na Gamit Ang Kanyang Mga Paa Lamang appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments