Looking For Anything Specific?

Security Guard, sibuyas at bawang ang inuulam upang makapagpadala ng pera sa pamilya at makatipid sa gastos


Ang pagtanggap ng isang responsibilidad ay may kaakibat na sakripisyo. Walang ginustong mamuhay ng mahirap ngunit kailangan natin harapin at tanggapin ang mayroon sa tunay na buhay.

Madami ang nagugutom at walang makain, mga bata na hindi nakakapag-aral at isang buong pamilyang iginagapang ang isang buong araw upang makaraos.

Makikita sa ibinahaging larawan ng netizen na si Apit Lid ang isang security guard sa Malaysia na kumakain ng kaniyang baon na kanin na may sabaw kapares ng sibuyas at bawang imbis na tunay na ulam.

Saad sa kaniyang post na ang sinasahod ng security guard na ito ay kapareho lamang din sa mga iba pang manggagawa sa opisina roon ngunit mas minabuti niyang magtipid upang mas malaki ang maipadala sa kaniyang pamilyang binubuhay.

Sa katunayan, gumagastos lamang ang security guard ng hindi lalampas sa 100 Malaysian Ringgit sa isang buwan na ang katumbas ay P1,170.

Nang matuklasan ni Apit ang kalagayan at rason ng guard ay binilhan niya ito ng pagkain. “Hopefully everything will be alright for him,” dagdag niya sa kanyang post.

Nag viral ito sa social media at maraming humanga sa sakripisyo ng guard ngunit saad din nila, dapat ding pahalagahan at pangalagaan ng guard ang kaniyang kalusugan upang makapagpatuloy siya sa kaniyang pagtatrabaho para sa pamilya.

Post a Comment

0 Comments