Ylona Garcia proud crew sa isang sikat na fastfood chain sa ibang bansa.
Mas pinili munang mag pahinga ni Ylona mula sa kanyang career sa showbiz industry.
Nagsimula ang dalaga nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Noong panahon na iyon, 13 taong gulang pa lamang si Ylona kung saan nakasama siya sa Big Four.
Matapos ang kanyang PBB stint, nagkaroon ng magandang karera sa showbiz ang aktres dahil na din sa kanyang talento sa pagkanta. Ito ang isa sa naging dahilan kung bakit nakilala lalo si Ylona.
Sa maikling panahon ng kanyang karera, maraming guesting sa mga shows ang nakuha niya. Partikular na dito ang mga performances niya sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo.
Pero malayo na ang buhay ngayon ng dating teen actress sa spotlight at kamera. Dahil isa na siyang proud crew member ng McDonald’s sa Sydney, Australia.
Sa katunayan, mismong si Ylona pa ang nagbida nito sa kanyang Instagram account.
Makikita ang mirror selfie ni Ylona suot ang kanyang uniporme.
“hey y’all, i decided to work at @mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu and and i’ll serve you xx,” caption nito.
The post Singer na si Ylona Garcia, ibinahagi ang pagtatrabaho ngayon bilang crew sa Mcdonals sa Sydney, Australia. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments