Looking For Anything Specific?

Mura, humingi ng paumanhin dahil sa kanyang mga nasabi kay Virgelyn at sa mga fans nito

Agad na nanghingi ng paumanhin si Mura sa kanyang mga nasabi laban sa vlogger na si Virgelyn.

Kamakailan nga ay agad nagviral ang live video ni Mura. Kung saan kinwestyon niya ang naging pagtulong sa kanya ni Virgelyn.

Sinabi nitong kung hindi siya pinuntahan ng vlogger ay hindi naman daw dadami ang supporters at subscriber nito. Aniya pa ay malaki din naman daw ang kinita ni Virgelyn sa video ng kanilang pagkikita.

Dahil sa kanyang mga pahayag, maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang kanyang mga sinabi. Lalo na ang mga supporters ni Virgelyn.

Sinabihan siya ng mga ito na walang utang na loob, at agad na ipinagtanggol si Virgelyn.

Kaya naman agad na nag-sorry si Mura sa kanyang naging pahayag. Isang video muli ang kanyang inilabas para manghingi ng paumanhin.

Aniya, “Mama Virgelyn, alam ko pong hindi kayo masyadong nasaktan sa aking mga sinabi, pero yung mga supporters niyo po may reaksyon po don, so pasensya na po”

Ayon kay Mura, hindi raw niya alam na nakakasakit na pala ang nabitawan niyang mga salita dahil joker raw siya.

Gayunpaman hiling ni Mura na sana ay magkita at magka-usap silang muli.

“Na-miss ko na rin po kayo mama Virgelyn. Thank you sa tulong niyo sa akin dun sa aming lugar. Kahit napakalayo ng aming lugar, sinuyod niyo ang aking tahanan para iyon nga, matulungan niyo rin po ako.”

Nagpasalamat din si Mura sa tulong na ibinigay ni Virgelyn sa kanya.

“Maraming salamat at sorry… Sorry at nakapagsabi po ako ng ganun dahil sa aking saloobin. Sana maintindihan niyo po. Pasensya na po mga ka-legit, mga ka-Virgelyncare”

Narito ang kabuuan ng video ni Mura:

The post Mura, humingi ng paumanhin dahil sa kanyang mga nasabi kay Virgelyn at sa mga fans nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments