Looking For Anything Specific?

Teacher, mînüra ng kanyang sariling estudyante na ang nais lamang ay matulungan itong makapasa


Hanggang sa ngayon ay hindi makalimutan ng isang guro ang kanyang sinapit sa kanyang sariling estudyante, ito ay matapos siyang murahin ng walang alinlangan ng kanyang estudyante.

Sa mismong Facebook account ni Teacher na si Cham Lijat, ibinahagi niya sa kanyang post ang nararamdaman matapos ang ginawa ng bata.

Ayon kay Teacher Lijat, nais lamang niyang tulungan na makahabol ang naturang estudyante dahil hindi pa ito nakakakumpleto ng kanilang mga activities.

Dagdag pa ni Teacher Lijat, kahit daw hindi siya laging nire-replyan ng kanyang estudyante ay matiyaga parin nitong nire-remind ang bata upang makahabol at makasama ito sa move-up sa Grade 11.

Subalit laking pagkadismaya ng guro nang makatanggap siya ng mura mula sa bata sa pamamagitan ng chat.

Agad naman daw binura ng naturang estudyante ang pagmümüra nito sa chat subalit hindi daw mabubura ito sa isipan at sakit na naidulot sa guro.

NARITO ANG KABUUANG POST NG GURO :

“Ayan na maam püt@ng in@ mø”

Sa pandemyang ito, marami ang nahihirapan, marami ang naga-adjust.
Isa sa mga nahihirapan ngayon ay ang mga Teachers. Napakahirap ng pinagdadaanang adjustment para makasabay sa “New Normal Education”.

Lahat ng kayang gawin ay ginagawa upang maipaintindi ang lessons sa mga estudyante. Lahat ng means of communication ay sinusubukan upang ma-reach-out ang mga estudyanye at pati na rin ang mga magulang.

Napakalawak na pagpapasensya ang ibinibigay ng mga Teachers sa tuwing isi-seen lang sila ng mga estudyante at magulang. Ni kahit tawag ay hindi sinasagot ng mga estudyante at magulang, minsan ay binababaan pa ng telepono kapag nalaman ng Teacher ang nasa kabilang linya. Uulitin ko, napakahirap.

Napa-post ako dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko ring mabasa ito ng mga magulang upang maunawaan nila ang dapat nilang maunawaan. May estudyante ako na hindi pumapasok sa Virtual Class magmula pa noong October 5 na nagsimula ang klase. Hindi rin siya nagpapasa ng kanyang output. In short, wala siyang grade magmula noong 1st Grading. In my part as his Teacher, hindi ako nagkulang sa pag-remind sa kanya.

Kahit sini-seen lang niya ang messages ko ay patuloy pa rin ako sa pag-message sa kanya. Iniintindi ko siya dahil baka nga nahihirapan sa set up ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education.

Malawak na pagpapasensya at pag-iintindi ang ibinigay ko dahil MAHAL KO ANG MGA ESTUDYANTE KO. Anak/Nak nga ang tawag ko sa kanila kahit hindi ko sila kadugo. Ang hindi ko matanggap ay yung sa kabila ng PAGMAMAHAL na ibinibigay ko ay “PUT@NG IN@ MO” ang matatanggap ko. Nag-message ako sa kanya ng mga dapat niyang ipasa para makahabol siya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11.

Nagpasa naman siya ng ilan pero ganito ang message nya,
“Ayan na maam püt@ng in@ mø”. NAPAKASAKIT.

Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko. Binura niya ang message niya at humingi ng sorry.

Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na pinadama mo sa akin? Ha, anak? Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko.

Post a Comment

0 Comments