Virgelyn, nagsalita na din sa naging kontrobersyal na pahayag ni Mura.
Nagulantang ang marami nang mapanood ang naging Facebook live ng dating komedyante na si Mura.
Lumalabas kasi na tila wala na sila sa maayos na sitwasyon ng vlogger na si Virgelyn Cares. Isa si Virgelyn sa mga tumulong pinansyal kay Mura noong mag viral sa social media ang kanyang kalagayan.
Makikita sa mga YouTube channel ng vlogger ang mga video sa tuwing pupuntahan niya si Mura. Nilinaw naman ni Virgelyn noon pa na ang kikitain ng video kasama si Mura ay mapupunta din sa komedyante.
Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin nang magsalita si Mura tungkol sa vlogger.
Sabi nito sa kanyang FB live, “Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit.”
“Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon.”
Sa kabilang banda, nagsalita na din ang huli na idinerekta niya kay Mura.
“Kumusta ka Mura? Sana ‘yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob,” panimula niya.
Iginiit ni Virgelyn na bago pa man pumasok sa vlogs niya si Mura ay marami na siyang natulungan. Hindi din daw siya nanunumbat.
“Bawas-bawasan natin Mura ‘yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao.”
Pabuorin ang kanyang pahayag dito:
The post Virgelyn, imbis magalit sa sinabi ni Mura tungkol sa kanya mas lalo niya itong naintindihan at mabilis na pinatawad appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments