Nanghingi ng paumanhin ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa mga pinagsasabi niya tungkol sa mga pusa.
Nakaraang buwan ay gumawa na naman ng ingay itong si Kim. Hindi na naman umano napigilan ang kanyang bibig.
Iti ay nang basahin niya ang cue card sa isang segment ng It’s Showtime. Ang tanong ay tungkol sa pusa na maingay sa bubong.
Komento dito ni Kim, “Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay.”
Marami naman ang hindi natuwa sa pahayag na ito ni Kim. Lalo na ang mga pet lovers na anila’y malo ang manakit ng mga hayop.
Kinondena pa nga si Kim ng isang news editor na si Desiree Carlos.
Matapos ngang magviral, nagbigay naman ng kanyang statement si Kim ukol dito via Twitter.
Aniya, “I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is.”
Dagdag pa ni Kim, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan.”
The post Kim Chiu, humingi ng paumanhin matapos magviral ang sinabi niya tungkol sa mga maiingay na pusa! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments