Looking For Anything Specific?

3 Pinoy na estudyante, nakaimbento ng kakaibang gadget na kayang magcharge ang cellphone gamit ang sapatos


Habang tumatagal lalong umuunlad ang modernong teknolohiya malaki naman ang naidudulot nito sa atin dahil napapabilis ang trabaho ng bawat isa at nagkakaroon tayo ng access kung anu mang impormasyon ang kailangan natin gamit ang matataas na kalidad ng teknolohiya.

Katulad nalamang ngayon panahon kung saan may kinahaharap tayong pandemiya, limitado ang bawat galaw na lahat ng tao.

Kaya naman para maisakatuparan parin ang Edukasyon ng mga Kabataan ay mayroong mga klase na ginagawa sa online upang ipagpatuloy na maturuan ang mga kabataan at kahit na hindi na magkaharap ang isa-t-isa.

Talagang patunay ito na sa pagdaan ng mga taon ay mas marami pang mga natutuklasan ang mga tao na imbensyong kabibiliban ng lahat. Ilan lang sa mga imbensyon na kilala ngayon ay ang bamboo incubator, microchips na ginagamit sa computer at maging ang antibi0tic na Erythr0mycin.

At isa sa mga imbensyon ngayon na pinag-uusapan ng marami ay isang imbensyon na gawang Pinoy kung saan ay isang sapatos na may kakayanang mag charge ng cellphone. Ito ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral kung ito ay magiging successful.

Ang naturang imbento na ito ay naimbento nina Miguel Ortega, Otto Uylangco at Creo Baylon. Ang tatlong ito ay oawang mga estudyante mula sa Philippine Science High School.

Ayon sa ulat, Halos pitong buwan lang ang inilaan ng tatlong estudyante upang mabuo ang high tech at malikhaing imbensyon.

Ito daw ay gumagawa sa pamamagitan ng tinatawag na Piezoelectric Magnetic Set-up.

Gamit ang gadget na nakalagay sa sapatos, ico-convert nito ang pressure o vibration na na nakukuha sa paglalakad para maging electricity na may kakayahang mag-charge ng cellphone.

Naglilikha na umaabot ng 10milliwatts na kuryente ang bawat yapak nito. Kaya naman kung nanaisin mo na i-full charge ang isang normal na cellphone ay mangangailangan lamang ito ng 500 na hakbang o yapak.

Ang naturang imbensyon na ito ng tatlong estudyante ay nagwagi sa Project Tuklas na kanilang nilahukan sa isang eskwelahan da Metro Manila.

Paliwanag ng isang Estudyante na si Miguel, Layunin daw nilang palawakin pa ang inbensyon para mas gawin itong kapaki-pakinabang.

“Sa next phase po kasi gusto po namin na parang may taga-store ng electricity para magamit po ‘to para mag-power ng mas maraming devices.” saad ng estudyante.

Tunay na kamangha-mangha ang imbensyon na ito ng tatlong Estudyanteng Pinoy kahit pa sa kanilang murang edad ay napaka malikhain na ng mga ito. Malayo pa ang mararating ng tatlong binatilyo kaya sainyo mga Kabataan kayo ang Pag-asa ng Bayan! Goodluck sainyo!

Post a Comment

0 Comments