Hindi maiwasan na magkamali at mapagkamalang estudyante ang guro na si Ian Francis Manga, dahil kasi sa kanyang Baby Face ay madalas na akala ay isa siya sa mga estudyante. Ayon nga sa kanyang pahayag ng mainterview siya ng Stand for Truth sinabi niya na “Para po nila akong kuya, Kalaro Palagi”.
Ang Guro na si Ian Francis ay kasalukuyang nagtuturo ngayon sa Kindergarten at Grade 2 sa Paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan.
Sa Kwento naman ni Ian kanyang ibinahagi na noong bata daw siya ay palagi daw siyang nagkakasakit kaya ito ang kanyang hinala kung bakit nagkaroon ng delay sa pagdevelop ng kanyang Physical na pangangatawan.
Ayon pa sa kanya ay noong nag-aaral daw siya nung highschool ay hindi niya naranasan ang pagbibinata na katulad ng kanyang mga naging kaklase. Dahil hindi raw siya nagkakaroon ng buhok sa kili-kili at maging ang magkaroon ng bigote ay hindi niya naranasan.
Hindi naman siya nakaranas na magpakonsulta sa doktor dahil awa naman daw ng Diyos ay hindi siya naka-experience na kutyain dahil sa kanyang itsura.
“Hindi po ako na-bülly kasi I was friendly. Pala-kaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. Eh wag mong pansinin.”
Si Ian Francis Manga ay 22 taong gulang nang maipasa niya ang Licensure exam para sa pagiging guro. Agad siyang nagturo ng magkaron siya ng lisensya para dito.
“Nagiging seryoso [ako], nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play kailangan may seryosohan din.”
Ayon naman sa mga doktor at espesyalista ay marami daw katulad si Ian na nakakaranas ng ganito na mas napapagkamalaman pang bata dahil hindi akma ang kanilang edad sa kanilang itsura ito daw ay posibleng mangyari lalo na kung ito ay nasa genes.
0 Comments