Ang Ama na ito na tampok sa ating kwento ay masasabi at maituturing na bayani at isang responsableng Ama dahil sa kanyang ginawa.
Binilhan lang naman niya ang kanyang pinakamamahal na anak na pinapangarap nitong sapatos galing sa kanyang perang inipon sa kanyang alkansya ng ilang taon.
Natyempuhan ng mga netizen ang isang mag-ama na namimili sa isang bilihan ng sapatis habang hawak ang isang maliit na alkansya at sinabi ng tindera na kunin ang tinututo ng kaniyang anak na sapatos.
Nang ma-i-abot na ang sapatos ay agad na inilabas ng naturang Ama ang kanyang alkansya na puno ng barya.
Saad ng Ama ng binata, “Inipon ko ito ng pagkatagal upang maibili ko ng sapatos ang aking anak dahil pangarap niyang magkasapatos kaya nag ipon talaga ako upang maibili ko siya ng gusto niya. Dagdag pa ng lalake hangga’t nabubuhay ako ay gagawin ko ang lahat mapasaya ko lamang ang aking anak”.
Labis na natuwa at naantig ang kahera habang nagbibilang ng mga barya sa kanyang harapan ang lalaki magkahalong saya at tuwa ang emosyon na nararamdaman ng lalaki dahil kahit sa maliit na paraan ay napasaya niya ang kaniyang anak.
Matapos makapag bayad ang mag-ama ay umalis silang masaya bakas sa mukha ng lalake ang ngiti sa mga mukha nito dahil nabili nito ang gusto ng kanyang anak.
Ang naturang kwento naman na ito ay ibinahagi ng isang concerned citizen, kinuhanan niya ng larawan ang mag-ama at sana daw ay magbigay aral ito sa mga magulang.
Narito ang kaniyang buong post,
“Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa’yo nawa’y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo”.
0 Comments