Looking For Anything Specific?

Isang gasoline boy na nakapagpatayo ng kanyang pinapangarap na dream house, hinangaan ng madla.


Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay kaya nga ang iba sa atin ay nagsusumikap at nagdodoble trabaho para matupad ang kanilang pangarap.

Ang ilan sa mga kadalasan na pinapangarap natin ay ang magkaroon ng sariling bahay, negosyo, sasakyan at siyempre ang magkaroon ng sariling Pamilya.

Subalit, bago maabot ang ating mga pangarap ay may malaking pagsubok ang bawat isa na kailangan harapin tulad ng mga darating na problema na ating kailangan solusyunan. Ngunit ang lahat ng yan ay ating malalampasan basta tayo ay magiging matiya at masikap.

Tulad na lamang ng isang Gasoline Boy na ito, na ang kanyang pangarap dati na Dream House ay unti-unti ng natutupad .

Umani ng paghanga at papuri mula sa mga netizen ang 26 twong gulang at isang gasoline boy na si Igue G. Varra, ito ay matapos na ibahagi niya ang ilang larawan kuha sa kanyang ipinapatayong dream house.

Makikita sa drawing na plano ng bahay na may 2 bedrooms, may terrace, bathroom, isang simpleng living room, kusina at ang kanilang dining area.

Halos 22×24 ft. Floor area ang laki ng kanyang pinapangarap na dream house na ipinapatayo niya sa kanilang bayan sa Pampanga. Hindi naman makapaniwala si Igue na ang kanyang pangarap ay unti-unti ng natutupad.

Nagsimulang buuin ang kanyang dream house noong Marso 3, 2020 na may 3 karpentero. Labis naman ang saya niya dahil sa wakas ay natutupad na ang kanyang matagal na pangarap.

Samantala, itigil naman muna ang paggagawa nito dahil sa ipinapatupad nw community quarantine sa buong bansa. Ayon pa sa kanyan medyo malaki na rin ang kanyang nagagastos na umaabot na ng P250,000 ngunit hindi naman siya nagsisisi dahil isa itong malaki at magandang regalo para sa kanyang pamilya.

Isang Inspirasyon naman para sa lahat ang gasoline boy na ito, dahil kahit ano pa ang iyong trabaho ay magagawa mong matupad ang iyong pangarap basta mayroon kang sipag at tiyaga.

Post a Comment

0 Comments