Sa panahon ngayon halos lahat ay gumagamit na ng gadget Bata man o Matanda, Marami din naman kasi ang mabuting na-idudulot na tulong nito sa atin tulad ng mga gadget na cellphone, laptop at computer sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon ng mga komyunikasyon ang bawat isa kahit ito ay magkalayo.
Isa rin sa mga naibibigay na tulong ng mga ito ay ang malibang ang isang tao sa pamamagitan ng panonood at paglalaro gamit ang mga gadget. Subalit kung mayroong mabuting naidudulot ay may masama rin dulot ang labis na paggamit nito.
May kasabihan nga tayo “Ang lahat ng sobra ay Masama” dahil mayroon tong dulot na hindi maganda. Katulad ng nangyari sa isang batang babae na ito na dahil sa labis na paggamit ng kanyang gadget ay muntikan na siyang malagay sa peligro at mawalan ng paningin.
Ito ay ang kwento ni Dachar Nuysticker Chuayduang, Isang Thailander ayon sa kanya nung dalawang taong gulang pa lang daw ang kanyang anak na babae ay ibinili niya ito agad ng gadget na iPad.
Sa post niya sa kanyang Facebook account, Ibinahagi niya dito na ibinili niya ng gadget ang kanyang anak para ito ay may paglibangan at kumuha ng atensyon ng kanyang anak habang siya ay nagtatrabaho.
Ngunit hindi nila akalain na makakasama ito sa anak niya na 4 na taong gulang, dahil sa mura nitong edad ay kinailangan na itong magpa-0pera sa mata dahil sa naging problema nito sa paningin.
Ayon sa doktor na sumira sa kanyang anak, Ang batang babae daw na si Dachar ay may tinuturing na “Lazy eyes” -ang ibig sabihin daw nito ay mga mata na hindi sabay gumagana, dahil ang isang mata ay gumagana nang mas epektibo para sa isa. Dahil dito hindi lang pagkawala ng paningin ang dinanas ng bata kundi pati na rin ang pagkakaroon ng “squinty eyes”.
Nang ma-0perahan si Dachar ay muli nang naging maayos ang dalawa niyang mata. Pinagbawalan na rin ang bata na gumamit ng mga smartphone, computer, iPad at maging ang telebisyon para maiwasan na ulit ang nangyari na pagkasira sa kanyang mata.
Pahayag pa ni Chuayduang sana daw ay maging paalala ito para sa iba pang magulang at sa kanilang mga anak na huwag payagan na labis na paggamit ng mga gadget para hindi maranasan ng ibang bata ang nangyari sa kanyang anak.
0 Comments