Looking For Anything Specific?

Isang Lola, hindi mapigilan na umiyak matapos kuhain ng dog pound ang mga alagang aso na kasama niya sa buhay


Kahit sino man ang makapanood at makabasa ng ating tema ngayon ay tiyak na kukurot sa puso ng marami, Animal lover man o hindi ay siguradong tatamaan ka rito ito ay tungkol sa isang matandang babae kung saan ang kanyang mga alagang aso na kasama niya araw-araw ay kinuha ng dog pound sa bayan ng Minglanilla, Cebu.

Hindi naiwasan ng isang netizen na kuhaan ng video ang isang eksena kung saan makikita ang isang matanda na kinilalang si Lola Ligaya, 60 anyos habang umiiyak ito na nagpapaalam sa kanyang mga alagang aso.

Ayon sa kwento ni nanay Ligaya, nakita nya ang mga alaga niyang aso na sina Brownie at Blackie sa plaza na pagala-gala lang at nanginginig sa gutom. Kaya naman pinakain niya ito at simula noon ay napalapit na sa kanya ang mga aso.

Kahanga-hanga si Lola Ligaya dahil sa kabila ng kanyang pagiging homeless ay nakuha pa rin niyang kupkupin at alagaan ang mga asong ito.

Itinuring niya itong mga anak at sila lamang ang tanging kasama nya sa buhay dahil siya rin ay nag-iisa namumuhay gaya ng mga ito, walang sariling masisilungan at kamag-anak na nag-aaruga.

Ito na raw ang laging kasa-kasama ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang aso kahit san man siya magpunta at itinuturing niya itong mga anak.

Sa kabila ng kalagayan ni lola Ligaya, nakukuha nya pang alagaan at kupkupin ang mga asong ito na parang sarili nyang mga kamag-anak.

“Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie. Nanginginig ‘yung mga aso kaya pinakain ko sila. Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog.” ani lola Ligaya.

Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong kinuha ng municipal dog pound sa kanya ng wala man lang pasabi o paalam.

Makikita sa video kung paano humagulgol sa pag-iyak si lola Ligaya habang namamaalam sa kanyang mga alagang aso. Kahit ang mga taong nasa paligid ni lola ay napatulala na lang at awang-awa sa matanda.

“Narinig ko po kasi yung iyak ni nanay sa bahay namin, sobrang nakakaawa si nanay kasi hindi niya makuha yung mga aso nya,” sabi ng isang nakasaksi.

Ayon naman kay Lola Ligaya, para sa kanya hindi aso ang turing niya sa mga ito kundi isang pamilya, naging tapat na kasama niya ang mga ito at ni minsan ay hindi siya iniwan.

“Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang. Kaso, kinuha sila.” Umiiyak na kwento ng matanda.

Ayon sa Municipal Veterinarian ng Minglanilla, nagkataong pinapatupad nila ang programa ng pamahalaan na kung saan ay ini-impound nila ang mga pagala galang aso upang maiwasan na makakagat sila ng mga tao at maiwasan na din ang pagkalat ang sakit rabîés.

Samantala, maging si Lola Ligaya ay tatlumpung taon ng naninirahan sa kalsada at matagal na rin pala siyang nais kupkupin ng MSWDO at sa Safe Haven home for the aged na lamang siya tumira upang magkaroon na din siya ng maayos na tirahan.

“Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh. Gusto ko nang makita ang aking mga aso.” Dagdag pa ni lola Ligaya.

Ayon pa sa Pamahalaan ng LGU ng Minglanilla layunin nila na alisin o bawasan ang mga taong walang tirahan o street dwellers sa kanilang lugar at bigyan ng maayos na pamumuhay ang mga ito.

Sa tulong ng mga concerned citizens at ng programa ni Jessica Soho, napag usapan nila ang mga tauhan ng municipal veterinarian at kanilang tiniyak na hahanapan nila ng mabait at responsableng mag-aalaga sila Brownie at Blackie.

Napagkasunduan din naman ang pamunuan ng Safe Haven at Municipal Veterinary Office na regular na dadalawin ni Brownie at Blackie si lola Ligaya.

“Pamilya ko ang mga aso ko. Gusto ko silang yakapin! Mahal ko silang lahat!” sabi pa ni lola Ligaya.

Ito ang nagpapatunay na kung minsan kung sino pa ang walang anuman sa buhay, ay sila pa ang mas buo ang pagtulong at handang magbigay sa mga nangangailangan maging tao man o hayop.

Post a Comment

0 Comments