Looking For Anything Specific?

Batang lalaki, imbis maglaro ay nagtatrabaho bilang mascot at naglalakad ng 10km araw-araw para may makain ang pamilya


Dahil sa kahirapan ng buhay marami sa ating ang nagdodoble kayod sa trabaho para lang makaraos, minsan ay kahit maliit na kita ay pwede na para lang maitawid ang pang araw-araw.

Ang ganitong sitwasyon ay napakahirap para sa mga matatanda lalo na siguro sa mga musmos na napipilitan ng magtrabaho dahil sa hirap ng buhay.

Ito ang kaawa-awang sitwasyong ng isang bata na maagang namulat sa kahirapan at natutong magtrabaho magbanat ng but0 kahit pa sa murang edad niya.

Lumabas ang mga larawan ng isang bata na kinilalang si Rehan matapos makita ng isang lalaki na naawa sa kalagayan ng bata na imbes na sa murang edad nito ay ginugugol ang oras sa paglalaro at pag-aaral ay bagkus nagtatrabaho na agad ito sa lansangan para lamang kumita.

Ayon sa isang post sa Instagram na may username na @rhamadii , maaga palang ay gumigising na daw ang batang si Rehan dahil kakailanganin pa raw nitong lakadin ang mahigit 10KM papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan, ito ay araw-araw ginagawa ng bata para lang kumita kahit papaano sa pamamagitan nag pagiging mascot o street clown.

Ang naturang trabaho ni Rehan ay tagapag-aliw sa mga taong naiipit sa traffic at naiinip tulad ng mga driver at empleyadong papasok sa kanilang mga trabaho.

Kwento naman ng batang si Rehan ginagawa daw niya ang lahat para lamang makuha ang atensyon ng mga tao sa kalsada dagdag pa nito na araw-araw daw ay iba-iba din ang kanyang sinusuot na costume ang ilang sa mga ito ay ang mga cartoon characters na Dora, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba.

Ginagawa raw niya ang lahat ng ito para masustetuhan ang kaniyang pangangailangan sa araw-araw kaya kahit mahirap ang kaniyang trabaho na pagiging mascot ay tinitiis niya para may pambili ng pagkain, pang-ambag sa renta ng bahay at kung may sobra pa man daw ay para naman sa kanyang pag-aaral.

Inamin din ni Rehan na hindi kalakihan ang kinikita niya sa pagmamascot ngunit ayon sa kanya ay hindi na rin masama dahil nakakabili naman siya ng mga bigas para sa kanilang pamilya, Ibinahagi din ng bata na nagtatrabaho din ang kanyang nanay ngunit ang sinasahod nito ay sapat lamang para ipambayad sa kanilang bahay na inuupahan.

Para kay Rehan mahirap man at nakakapagod ang maglakad ng 10km araw-araw ay masaya naman daw siya na nakakatulong sa kanyang nanay. Pinipili rin daw niyang gumising ng maaga para makapasok ng trabaho at makaiwas sa traffic at ganon din rin pauwi upang makalaro pa siya ng paborito niyang sports na football.

Napag-alaman namin na ang batang si Rehan ay nagtatrabaho sa Jalan Gatot Subroto sa South Kalimantan, Indonesia.

Post a Comment

0 Comments