Naantig ang puso ng mga netizen sa isang larawan na ibinahagi sa Facebook ng isang music store mula sa lugar ng Tuguegarao City na ngayon ay usap-usapan sa social media.
Makikita sa mga larawan ang pagbibigay ng may-ari ng music store sa isang batang lalaki na nangangalakal ng isang gitara.
Ayon sa kwento ng mag-asawang sina Marta at Valentin Lim na siyang may-ari ng music store, madalas daw namumulot ng mga karton at bote sa kanilang lugar ang batang mangangalakal na kinilala na si Jan Mark, kasama ang kapatid at pinsan nito.
Pagpapatuloy ng mag-asawa madalas rin daw nanghihingi sa kanila ng mga karton si Jan Mark, Isang araw ay nakiusap raw ang bata na kung maaari ay i-tace ni Marta ang isang ukulele dahil gagawa raw ito ng ukulele gamit ang mga karton na kanilang kinakalakal.
Saad din ni Marta na napapansin niya na magaling raw ang batang si Jan Mark na gumawa ng mga bagay gamit ang karton.
“One time po, nag-request siya na i-trace ko ‘yung ukulele sa karton para daw gagawa siya ng ukulele made out of box. Nabanggit din sa akin ng pinsan niya na kaya niya talagang gumawa ng mga bagay-bagay mula sa karton,” ani Marta.
Sinabi rin nito na lumapit sa kanila si Jan Mark at nanghingi ng sirang gitara ngunit dahil wala silang sirang gitara at dahil naaawa silang mag-asawa sa batang si Jan Mark ay naisipan nilang bigyan na lamang ito ng bagong gitara pang matuto rin sa pagtugtog.
At sa pagbalik nga ni Jan Mark sa kanilang music store ay nakipag ka sundo si Marta sa bata na igawa siya ng pangdisplay na karton at kapalit nito ay bibigyan niya ng bagong gitara si Jan Mark.
“Sabi ko palit kami, bigyan ko siya gitara tapos gawan niya ako ng pang-display na gawa sa karton sa studio ko…Kung napasaya namin siya, doble ‘yung kasiyahan namin. And it actually feels good, deep down in our souls,” kuwento ni Marta.
Labis ang kasiyahan ng batang si Jan Mark sa kanyang natanggap na bagong gitara at kitang-kita sa mukha nito ang isang malaking ngiti.
Ayon naman kay Marta, kahit pa bagong gitara ang binigay nila kay Jan Mark ay hindi naman sila lugi lalo na nang makita nila na nagdulot ng saya ang kanilang ginawang pagreregalo.
“Kung napasaya namin siya, doble ‘yung kasiyahan namin. And it actually feels good, deep down in our souls. Do not get tired being kind kasi we have proven a thousand times that it will come back to you a hundred folds,” masayang pahayag ni Marta.
Ang ginawang kabutihan ng mag-asawa ni Marta at Valentin ay labis na hinangaan ng mga netizen nawa’y maging maunlad daw ang negosyo ng mag-asawa.
0 Comments