Ang araw ng kasal ang isa sa mga pinakamemorableng araw sa buhay ng isang babae. Sa espesyal na araw na ito, nais ng bride na maging maganda at maayos ang seremonya. Kaya naman ilang buwan itong pinaghahandaan, at malaking pera rin ang ginugugol para masiguradong lahat ay magiging maayos sa araw ng kasal.
Hindi rin alintana ng ibang bride na gumastos ng malaking pera para sa kanilang pag-iisang dibdib. Karamihan ay gumagastos ng limpak limpak na salapi para sa kanilang wedding gown at sapatos. Ngunit ang bride na ito mula sa Hubei Province, China, ay nag-viral dahil sa kanyang sandamakmak na alahas!
Mahigit 60 kilograms na ginto ang suot suot ng bride na ito sa araw ng kanyang kasal. Talagang agaw-pansin ang kanyang mga alahas, dahil nangingibabaw ito sa kanyang puting wedding gown. Kumpleto rin siya sa mga gintong kwintas, pulseras, hikaw, at marami pang iba.
Ayon sa reports online, ang mga ginintuang alahas na ito ay regalo na natanggap ng bride mula sa kanyang mapapangasawa. Bahagi di umano ito ng kanyang dowry. Kabilang na dito ang 60 gold necklaces at dalawang gold bangles. Sa mga videos, makikitang nahihirapan rin ang bride gumalaw dahil sa bigat ng mga ginto na nakasabit sa kanya.
Galing sa mayaman na pamilya ang groom, kaya naman nais nilang maging espesyal ang bride sa araw ng kasal nito. Bago sila ikasal ay ibinigay na nila ang mga alahas na ito sa bride at sa kanyang pamilya.
May mga bisita rin na nag-volunteer upang tulungan ang bride, ngunit ito na raw mismo ang tumanggi. Ayon naman sa ibang nakasaksi sa kasalan, ang ginto ay simbolo ng swerte at kasaganaan sa buhay ng bagong mag-asawa. Simbolo rin daw ito ng karangyaan ng buhay ng pamilya ng groom.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Bride, Nagsuot ng Gintong Alahas na May Bigat na 60 Kilos sa Araw ng Kanyang Kasal! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments