Looking For Anything Specific?

Dahil sa ‘Internet lag’, batang babae naiyak matapos maka-order ng 40 piraso na chicken fillet at fries na i-deliver sa bahay nila


Labis ang pag-iyak at pagsisi ng isang batang babae at hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin matapos sunod-sunod na dumating sa kanilang bahay ang mga food riders upang magdeliver ng kaniyang inorder na pagkain sa isang online app.

Ayon sa pagbabahagi ng kwento ng netizen at kapitbahay na si Dann Kayne Suarez, Nakahunan niya mismo sa kanyang Facebook Live ang pangyayari sa kanilang kapitbahay.

Mahigit umano na 30 delivery riders ng Food Panda ang dumating sa bahay ng isang 7-anyos na batang babae na dala-dala ng mga riders ang pare-parehas na order na isang chicken fillet na may kasamang french fries.

Ang insidenteng ito ay nangyari sa Barangay Mabolo, Cebu City dakong mga alas-12 ng tanghali.

Ayon sa pangyayaring ito napag-alaman na umorder ang bata ng naturang pagkain ngunit dahil umano sa bagal ng internet ay inakala niyang hindi niya ito na pipindot kaya paulit-ulit niya ito ginawa kaya naman umabot sa 42 piraso ng chicken fillet at fries ang na-order nito.

Samantala, 32 riders na lang daw ang nakarating dahil ang iba ay na-cancel pa, dahil sa daming orders umabot ang halagang babayaran ng customer na bata ng P7,938.

Gayunpaman, mangiyak-ngiyak ang batang babae dahil sa takot. Dahil sa pangyayaring ito naawa ang ilang kapitbahay kaya naman ang iba dito ay binili na lang ang iba pang orders.

Ang tanging kasama ng bata sa kanilang bahay ang kanyang lola at iniwan daw umano ng kanyang magulang ang smartphone para maka-order sila ng pagkain online. Ang magulang ng bata ay parehong nagtatrabaho.

Ayon sa bata kanyang sinisisi ang “lag” na internet kaya ito nakaorder ng marami.

“Ang nahitabo kay nagsige siyag order, nihinay ang connection nila. Meaning mi-error siya. Kay mi-error, mipindot na pud siya og laing order. Sige lang gihapon siya,” ayon kay Suarez .

Kahit ang ilang kapitbahay ay tumulong para mabili ang ibang orders ay hindi parin naubos ang lahat ng naideliver kaya naman ang ibang riders ay nagdesisyon na lamang na ibalik ang mga ito.

Ang pangyayaring ito ay sana`y maging paalala sa ibang magulang na huwag na huwag iiwan ang mga cellphone o application na katulad na ito sa mga bata dahil maaring mangyari ang katulad ganitong insidente.

Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments